Kasong grave threat laban kay VP Duterte, pinakamadaling patunayang kaso sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,598 total reads

Iginiit ng House Prosecution Panel na ang Article IV ng Articles of Impeachment o grave threat, ang pinakamadaling patunayang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, sinabi ni dating Rep. Robert Ace Barbers at kasalukuyang tagapagsalita ng House Prosecution Panel, ito ay dahil ang ebidensya ay nanggaling mismo sa Pangalawang Pangulo.

Ipinaliwanag ni Barbers na ang video ng online media briefing ni Vice President Duterte noong Nobyembre 23, 2024, na kumalat sa social media at madaling napanood ng publiko, ang nagsisilbing pangunahing ebidensya upang patunayan ang alegasyon ng grave threats o pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First-Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

“And we feel and we believe na ito po ang pinakamadaling i-prove o ipruweba dahil ang ebidensya mismo ay galing po mismo sa respondent. Ang aming pong paglalatag ng ebidensya dito ay gaya po nung ginawa namin nung day 2, yung mismong video na kung saan ay kumalat sa buong social media platforms dito sa ating bansa, naging very accessible po ito sa ating mga kababayan. At ito po ang ginamit namin bilang ebidensya na magpapatunay na yung mga pambabanta o yung grave threats na nangyari, may katotohanan dahil ang ebidensya ay itong video na kung saan ang mismong pangalawang Pangulo ang siyang nagsasalita,” Ayon kay dating Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers-ang kasalukuyang tagapagsalita ng House Prosecution Panel.

Bukod sa Article lV na tumatalakay sa Betrayal of Public Trusts, Grave Threats at Inciting to Sedition, kabilang sa mga articles of impeachment ang Article 1 -o ang Culpable Violation of the Constitution na tumutukoy sa maling paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Article ll Betrayal of Public Trust at Graft and Corruption -ang iregularidad sa paggamit ng confidential funds, kabilang ang mga kwestyonableng resibo, liquidation documents at paggasta ng condo.

At ang Article lll-ang Betrayal of Public Trust, Bribery, Graft and Corruption at iba pang high crimes dahlia sa pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa hiwalay na pahayag, iginiit nanan ni House Prosecution legal spokesperson Atty. Jay Tolosa Jr., hindi nababago ng anumang konteksto ang bigat ng pahayag ng Bise Presidente, kahit pa igiit ng depensa na ito ay may kondisyon.

Binigyang-diin ni Tolosa na ang batayan ng prosekusyon ay ang mismong pahayag ni Duterte na sinasabing nakipagkasundo siya sa isang mamamatay-tao upang ipapatay ang Pangulo, First-lady at dating pinion ng Kamara.

Sa ikatlong araw ng paglilitis sa Senate Impeachment Court, pinagtibay sa testimonya ng unang testigo ng prosekusyon na si National Bureau of Investigation Senior Agent John Mark Calilung ang pagiging tunay ng video ng online media briefing ni Duterte at iniharap din ang mga opisyal na pahayag ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Security Council at iba pang ahensya ng pamahalaan upang ipakita na ang naturang mga pahayag ay nagbunsod ng pormal na imbestigasyon at mga hakbang sa seguridad ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 30,116 total reads

 30,116 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 110,125 total reads

 110,125 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 204,351 total reads

 204,351 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 264,841 total reads

 264,841 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 277,252 total reads

 277,252 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top