Walang uri ng diet na angkop sa lahat ng tao, NFP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,550 total reads

Binigyang-diin ng isang opisyal ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) na walang iisang uri ng paraan ng pagkain o diet na angkop sa lahat ng tao.

Ito ang inihayag ni Melvar Royeras, RND, Nutritionist-Dietitian I ng NFP sa programang Barangay Simbayanan, kaugnay sa paggunita ngayong buwan ng Nutrition Month 2026 na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!” at may sub-theme na “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

Ayon kay Royeras, mas mahalagang pairalin ang pangmatagalang malusog na gawi sa pagkain kaysa sumunod sa iba’t ibang mga diet na nangangako ng mabilis na resulta.

“Tatandaan po natin na ang diet po ay walang ‘one size fits all.’ Kumbaga, walang isang diet na magpi-fit [o akma] para sa lahat ng tao. Ang pino-promote pa rin po namin sa Nutrition Foundation of the Philippines ay ang pagkakaroon ng sustainable practices sa ating pamumuhay,” Bahagi ng pahayag ni Royeras sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng nutrition expert, nananatiling pinakamahalaga ang pagkain ng balanseng pagkain upang makamit ang wastong nutrisyon at maiwasan ang mga problemang pangkalusugan.

“Mahalaga pa rin po ang pagkain ng balanced diet kaysa sa mga diet na nagpa-promise ng mabilisang resulta o effect pero hindi pa rin naaayos ang ating mga gawi o eating habits,” Dagdag pa ni Royeras.

Ipinapaalala rin ng Nutrition Foundation of the Philippines na ang pagdiriwang ng Nutrition Month ay pagkakataon upang higit na mapalawak ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng sapat, masusustansya at sustainable na mga pagkain bilang bahagi ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan at pangangalaga na rin sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,386 total reads

 42,386 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,801 total reads

 139,801 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 184,070 total reads

 184,070 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,179 total reads

 207,179 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,457 total reads

 280,457 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top