Diocesan Synodal Mission Congress 2026, isasagawa ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,897 total reads

Magsasagawa ang Diocese of Legazpi ng Diocesan Synodal Mission Congress 2026 sa Hulyo 18, 2026 sa Legazpi City Convention Center (LC3) Expo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng diyosesis at ng 2026 Year of Mission.

Sa inilabas na Diocesan Circular No. 17, Series of 2026, sinabi ni Legazpi Bishop Joel Baylon na layunin ng pagtitipon na higit pang palalimin ang pagkakakilanlan ng lokal na Simbahan bilang isang misyunerong pamayanan at patatagin ang diwa ng communion, participation, and mission.

Tampok sa programa ang keynote address ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, mga testimonya, Conversations in the Spirit, presentasyon ng mga umuusbong na ministeryo, at ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

“The Mission Congress seeks to deepen our understanding of our local church’s missionary identity and to strengthen our diocesan commitment to synodality through communion, participation, and mission.” Bahagi ng paanyaya ni Bishop Baylon.

Hiniling naman ni Bishop Baylon sa bawat parokya na magpadala ng sampung opisyal na kinatawan na binubuo ng mga miyembro ng Parish Pastoral Council (PPC), mga lay leader, at iba pang kinatawan ng parokya.

Inanyayahan din ang lahat ng mga pari ng diyosesis at mga relihiyosong at relihiyosa na makibahagi sa kongreso.

Kinakailangang makumpleto ng mga kalahok ang online pre-registration bago ang Hulyo 10, 2026 upang matiyak ang kanilang partisipasyon sa pagtitipon.

Magsasagawa rin ng orientation para sa mga itinalagang facilitators at documenters sa Hulyo 11 sa SEDP Hall, sa ikaapat na palapag ng The Chancery, kung saan nakatakdang ganapin ang orientation ng facilitators mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ng documenters mula alas-1 hanggang alas-3 ng hapon.

Hinimok ni Bishop Baylon ang mga mananampalataya na aktibong makibahagi sa gawain ng Simbahan at ipagpatuloy ang diwa ng sinodalidad.

“May this Mission Congress renew our hearts and strengthen our resolve to become a truly synodal Church—blessed, guided, and sent—as we continue our shared mission in the Diocese of Legazpi,” Ayon pa kay Bishop Baylon.

Bahagi ang Diocesan Synodal Mission Congress sa patuloy na paghahanda ng Diocese of Legazpi sa paggunita ng ika-75 anibersaryo nito at sa pagpapalalim ng misyon ng Simbahan bilang isang pamayanang naglalakbay nang sama-sama sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,245 total reads

 10,245 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,621 total reads

 91,621 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,846 total reads

 185,846 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,336 total reads

 246,336 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,747 total reads

 259,747 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,454 total reads

 17,454 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top