Digital workers, inaanyayahan makiisa sa Digital workers forum sa Obispado de Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,764 total reads

Inaanyayahan ng Church People Workers Solidarity o CWS ang mga Pilipino, lalu na ang mga manggagawa sa digital sector na makiisa sa idadaos na ‘Digital Workers Forum’ ika-18 ng Hulyo 2026 sa Obispo de Cubao Building, Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral Room A, 41 Lantana Street, Cubao Quezon City.

Ayon sa CWS at mga katuwang na organisasyon, bukas para sa lahat ang digital forum at libreng makakapasok o makikibahagi ang mga magtutungo upang matutunan ang mahahalagang paksang tatalakayin.

Tatalakayin sa forum ang paksang “Church Workers in the Age of AI: A deeper reflection on Pope Leo XIV’s Encyclical ‘Magnifica Huminatas'”.

Layon nito na patuloy na isulong ang dangal o dignidad ng tao sa paggawa higit na ngayong patuloy na nanganganib ang maraming kabuhayan dahil sa pagtangkilik ng maraming employers sa Artificial Intillegence o AI sa halip na magbigay ng trabaho sa tao.

“Artificial intelligence is rapidly changing the BPO industry. From AI-powered customer service to automated workflows and performance monitoring, digital workers are experiencing the impact of these technologies every day. While AI promises innovation, it also raises urgent questions about job security, workers’ rights, human dignity, and the future of work: Register here: https://forms.gle/TYqTB7KgVC926UB47 ” ayon sa mensahe ng CWS na pinadala sa Radyo Veritas.

Katuwang naman ng CWS sa gawain ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER, BPO Industry Employees Network o BIEN Pilipinas at Ecumenical Bishops’ Forum o EBF.

Sa kauna-unang ensiklikal ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas ay tinalakay ng Santo Papa ang kahalagahan ng pagsisilbi ng AI para sa tao na dapat magsilbi tungo sa pagpapaunlad ng buhay at higit na pagpapalaganap ng pananampalataya.

Ayon naman sa mga pag-aaral ng Internaltion Labor Organization, bagamat hindi kagyat na mawawalan ng trabaho ang maraming manggagawa ay nanganganib na mapahina o maapektuhan ng Generative AI ang kabuhayan ng may 80-milyong manggagawa sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,979 total reads

 10,979 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,302 total reads

 92,302 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,527 total reads

 186,527 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,017 total reads

 247,017 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,388 total reads

 260,388 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top