CBCP President nanawagan sa kapwa Obispo na tumulong sa pagpapatayo ng Pro-cathedral ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,953 total reads

Nanawagan si CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa mga diyosesis at obispo sa buong bansa na magkaisa sa pagtulong para sa muling pagpapatayo ng Pro-Cathedral ng Prelatura ng Marawi, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa Simbahang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng Marawi Siege.

Ito ang panawagan ng Arsobispo kaugnay ng pagbisita sa Arkidiyosesis ng Lipa ng Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines, na naglalayong palalimin ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kalagayan ng mga inuusig na Kristiyano at makalikom ng suporta para sa muling pagtatayo ng Pro-Catedral ng Prelatura ng Marawi.

Ibinahagi rin ni Archbishop Garcera na personal niyang nasaksihan ang kalagayan ng Prelatura ng Marawi kaya’t umaasa siya sa aktibong pakikiisa ng buong Simbahan sa Pilipinas sa layunin ng misyon.

“Mahalaga para sa aming mga Obispo na tulungan natin ang Prelatura ng Marawi. Dumalaw ako sa Prelatura ng Marawi at nakakaawa. Hinihikayat ko ang mga kapatid kong Obispo, mga diyosesis sa buong Pilipinas na magkaroon tayo ng pag-aambag, we call it sharing or generosity,” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Garcera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagiging bukas-palad ay pagpapakita ng kabutihan ng Diyos na patuloy na dumadaloy sa Kanyang bayan.

“Remember, God is a very generous God at tayo ay pinagdadaluyan ng biyaya ng Diyos. Kaya sige po, tulungan natin ang ating mga kapatid na nangangailangan ng isang lugar upang magdasal at kilalanin ang kabutihan ng Diyos,” Dagdag ng Archbishop Garcera.

Nagpapasalamat naman si Archbishop Garcera sa ACN-Philippines sa pagdadala ng caravan sa Arkidiyosesis ng Lipa, na nagbigay ng pagkakataon sa mga mananampalataya ng arkidiyoses na makiisa sa misyong isinusulong para sa Prelatura ng Marawi.

“Maraming salamat sa pagdalaw ninyo dito sa Batangas, sa Archdiocese of Lipa upang kami rin ay may maiambag sa kabutihan ng Diyos at sa tulong ng Aid to the Church in Need,” Ayon pa kay Archbishop Garcera.

Patuloy na umiikot sa iba’t ibang diyosesis ang Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi, tampok ang naipanumbalik na imahen ng Our Lady Mary Help of Christians of Marawi at isang exhibit na naglalahad ng misyon ng Prelatura sa pagsusulong ng kapayapaan, interreligious dialogue, at pagkakaisa habang naghahanda ito sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa Nobyembre 2026.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,294 total reads

 9,294 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,747 total reads

 10,747 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,101 total reads

 23,101 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,479 total reads

 60,479 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 91,749 total reads

 91,749 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,620 total reads

 167,620 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,724 total reads

 260,724 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,116 total reads

 25,116 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top