86 total views
Minsan, parang walang nakikinig o walang epekto ang bawat salitang ibinabahagi natin tungkol sa Diyos. Pero tulad ng magsasakang patuloy na naghahasik ng binhi, tinatawag din tayong magbahagi ng Kanyang Salita nang hindi namimili ng taong pakikinggan o lugar na pupuntahan. Hindi natin hawak kung kailan ito mamumunga, ngunit ang Diyos ang kikilos sa tamang panahon. Kaya huwag manghinayang sa bawat salitang puno ng pag-ibig at pag-asa na iyong ibinabahagi, dahil sa Diyos, walang kabutihang nasasayang.




