Desisyon sa bank at tax record ni VP Duterte, ipinagpaliban ng Senate impeachment court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,362 total reads

Ipinagpaliban ng Senate impeachment court sa Lunes, July 20 ang pagdedesisyon kung pagbibigyan ang kahilingan ng House prosecution na gamitin sa paglilitis ang bank records, tax records at iba pang financial records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

Ito ay matapos ang mahigit isang oras na caucus ng mga senator-judges kasunod ng oral arguments at rebuttal ng magkabilang panig.

Ayon kay Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero, kailangan pa ng hukuman ng karagdagang panahon upang pag-aralan ang mga argumento bago maglabas ng pasya.

Sa ikaanim na araw ng paglilitis at huling araw ng ikalawang linggo ng impeachment trial, walang testigong iniharap ang magkabilang panig. Sa halip, tinalakay ang kahilingan ng House prosecution na maiprisinta bilang ebidensya ang bank at tax records ng mag-asawang Duterte-Carpio.

Kaugnay ito ng Article II ng Articles of Impeachment na tumutukoy sa hindi maipaliwanag na yaman at hindi wastong paghahayag ng mga ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Kinatawan ni Akbayan Representative Jose Manuel “Chel” Diokno ang House prosecution, habang si Atty. Michael Poa naman ang humarap para sa depensa.

Sa kanyang argumento, sinabi ni Diokno na walang dahilan upang pigilan ang paglalatag ng mga dokumento sa impeachment court.

“Hayaan natin, huwag nating pangunahan at huwag nating katakutan ang paglatag ng ebidensya,” ani Diokno.

Binigyang-diin din niya na malinaw na kinikilala ng Republic Act 1405 o Bank Secrecy Law ang impeachment bilang isa sa mga eksepsyon sa pagiging kumpidensyal ng bank records.

“The law explicitly states… ‘All deposits are considered absolutely confidential… except in cases of impeachment.’ Walang kaduda-duda. May karapatan at kapangyarihan ang Impeachment Court na busisiin ang bank records,” dagdag pa ni Diokno.

Samantala, iginiit naman ni Atty. Michael Poa na isa lamang “fishing expedition” ang kahilingan ng prosekusyon.

Ayon sa depensa, naghahanap lamang ang prosekusyon ng mga ebidensyang maaaring iugnay sa reklamo matapos itong maisampa.

Kinuwestiyon din ng depensa ang lawak ng mga rekord na hinihingi ng prosekusyon, kabilang ang mga dokumento mula pa noong Vice Mayor at Mayor ng Davao City si Duterte, na ayon sa kanila ay hindi saklaw ng mga impeachable offense. Muli rin nilang iginiit na dapat igalang ang karapatan ng Bise Presidente sa due process.

Sa kanyang rebuttal, muling iginiit ni Diokno na walang nilalabag na due process sa kahilingan ng prosekusyon.

“Sa proseso ng impeachment, ang pananagutan sa taumbayan ang pinakamahalaga sa lahat. Mas matimbang ito kaysa personal na interes ng sinumang opisyal na inaakusahan,” pahayag ni Diokno.

Giit pa ni Diokno, “Hindi po confidential sa katotohanan.”

Labinsiyam na senador ang dumalo sa oral arguments, kasama ang mga kinatawan ng House prosecution at ng depensa. Ang pasya ng impeachment court sa kahilingan ng prosekusyon ay inaasahang ilalabas sa susunod na pagdinig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,649 total reads

 73,649 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,458 total reads

 213,458 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,234 total reads

 329,234 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 447,031 total reads

 447,031 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top