Isabuhay ang pananampalataya sa konkretong pakikilahok sa buhay ng lipunan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,196 total reads

Iginiit ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi dapat manatili sa personal na ugnayan sa Diyos kundi maisabuhay sa aktibong pakikilahok sa paghubog ng isang makatarungan at maayos na lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng chairperson ng CBCP Office on Stewardship, kasunod ng matagumpay na Refounding Gathering ng Socio-Pastoral Institute (SPI), kung saan muling pinagtipon ang mga obispo, pari, relihiyoso, relihiyosa, layko, at mga dating katuwang ng institusyon upang pagnilayan ang kinabukasan ng socio-pastoral ministry ng Simbahan sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Pabillo, naging matagumpay ang pagtitipon dahil muling nabuo ang pagkakaisa at paninindigan ng mga indibidwal na bahagi ng misyon ng SPI sa mahigit apat na dekada.

“Natupad naman ang layunin na kunin ang mga taong involved, interested, at kasama sa mission ng SPI, at mag-recommit ulit sa mga gawain ng SPI,” ayon kay Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na nananatiling napapanahon ang misyon ng SPI na tulungang maisabuhay ng Simbahan ang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pakikilahok sa buhay ng lipunan.
“Ang pinaka-misyon ng SPI ay ipakita na ang ating pananampalataya ay dapat lumabas din sa ating socio-pastoral na gawain,” ayon sa obispo.

“Ibig sabihin, hindi lang ang pananampalataya ay tungkol sa kaugnayan mo sa Diyos. May kaugnayan din ito sa lipunan. Ang pananampalataya ay magiging dahilan din at lakas upang makipag-ugnayan sa lipunan, upang ang lipunan natin ay maging maayos.”

Sinabi ni Bishop Pabillo na ito ang misyong dapat isabuhay hindi lamang ng SPI kundi ng bawat diyosesis, parokya, at bawat binyagan.

“Ito po ang mensahe ng SPI na puwedeng gamitin at gawin ng mga diyosesis, mga parokya, at mga Katoliko mismo. Ang kanilang tungkulin bilang mga mananampalataya ay hindi lang makipag-ugnayan sa Diyos, kundi makilahok din sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng lipunan,” giit ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi rin ng obispo na matagal nang magkatuwang ang CBCP Office on Stewardship at ang SPI sa pagsusulong ng stewardship formation at patuloy na nagtutulungan ang dalawang institusyon sa paghuhubog ng mga lingkod ng Simbahan.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mga diyosesis at parokya na samantalahin ang mga programang iniaalok ng SPI sa larangan ng stewardship, Catholic social teaching, at formation ng mga pari, relihiyoso, relihiyosa, gayundin ng mga lay leader.

Isinagawa ang Refounding Gathering bilang bahagi ng paglalakbay ng SPI upang muling tukuyin ang misyon at direksiyon nito matapos ang mahigit apat na dekadang paglilingkod sa Simbahan sa Pilipinas.

Sa kanyang pagninilay sa pagtitipon, ipinaliwanag ni Infanta Bishop Dave Dean Capucao na ang refounding ay hindi simpleng pagsasaayos ng isang institusyon kundi isang proseso ng sama-samang pakikinig sa Diyos.

“We are not here to rescue SPI, but as a community to really discern the will of God for us and to discern where God is leading us in the spirit of synodality and in the spirit of stewardship. The goal of refounding is to find ourselves again and redefine SPI in today’s context,” ayon kay Bishop Capucao.

Dagdag pa ng obispo, ang tunay na muling pagtatatag ng SPI ay nakasalalay sa pagbabalik sa orihinal na karisma ng Simbahan upang makapagbigay ito ng mga bagong anyo ng buhay at misyon na higit na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

Bukod kina Bishop Pabillo at Bishop Capucao, nagsilbi ring tagapagsalita sa pagtitipon si Vincentian missionary Fr. Daniel Franklin Pilario.

Ginanap ang refounding gathering sa St. Titus Brandsma Center sa Quezon City kung saan pinangunahan ni Bishop Pabillo ang pagtatapos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa.
Inalala rin sa pagtitipon si yumaong Infanta Bishop Julio Labayen sa kanyang ika-100 kaarawan, kung saan ang namayapang obispo ay isa sa mga nagbalangkas ng pundasyon ng SPI, lalo na noong panahong umiiral ang Batas Militar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,387 total reads

 44,387 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,105 total reads

 149,105 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,216 total reads

 235,216 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,349 total reads

 305,349 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,167 total reads

 337,167 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top