Ebidensiya sa maling paglustay ni VP Duterte sa confidential fund, ilalahad ng prosecution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,851 total reads

Inaasahang sisimulan ng House prosecution panel sa Miyerkules ang paglalahad ng mga ebidensya kaugnay ng sinasabing maling paggamit ng P612.5 milyong confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.

Bahagi ito ng Article I ng Articles of Impeachment na nag-aakusa sa Bise Presidente ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust dahil sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education noong siya pa ang kalihim ng tanggapan.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, isa ito sa mga pinakamahahalagang bahagi ng paglilitis dahil dito tatalakayin ang paggamit ng malaking halaga ng pondo ng bayan.

“Yan ang inaasahan natin sa pagsalang hopefully as early as Wednesday (next week)…So, ‘yung confidential misuse ito po ‘yung isa sa mga pinaka aantay ng bayan na talakayin at presentation ng ebidensya dahil pag-uusapan dito ang malalaking usapin,” ayon kay Ridon.

Inaasahang ilalahad ng prosekusyon ang mga pangalan ng mga sinasabing tumanggap ng confidential funds, kabilang ang kontrobersyal na pangalang Mary Grace Piattos at iba pang recipient na kinukuwestiyon ang pagkakakilanlan.

“Ilalahad din doon ang PSA report kung saan sinasabi that these particular personalities do not actually exist. They were never born, they were never married, they had never died in the Philippines. So yan po yung ilan sa mga pwedeng mailatag dyan po sa confidential funds misuse,” dagdag pa ng kongresista.

Kasama rin sa mga ebidensyang ihaharap ang mga ulat tungkol sa umano’y magkakaparehong lagda sa mga acknowledgement receipt at mga dokumentong mula sa Philippine Statistics Authority o PSA na nagsasabing hindi nakita sa kanilang records ang ilang pangalan ng mga recipient.

Ayon kay Ridon, mahalaga rin sa presentasyon ng prosekusyon ang mga findings ng Commission on Audit o COA, na naglabas ng notice of disallowance para sa bahagi ng confidential funds at nag-utos na maibalik ang nasa P448 milyong halaga ng umano’y hindi naaayon na gastos.

Kabilang dito ang P73 milyong disallowed expenses na naging pinal na umano ang desisyon ng COA.

Iginiit ng prosekusyon na mahalagang masuri ang paggamit ng confidential funds dahil ang pondong sangkot ay mula sa buwis ng mamamayan at dapat mapatunayan kung nagamit ito sa tamang layunin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,928 total reads

 42,928 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,681 total reads

 147,681 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,791 total reads

 233,791 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,925 total reads

 303,925 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,819 total reads

 335,819 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top