Pag-endorso ng Sangguniang Bayan sa mining application ng APMC, tinututulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,074 total reads

Mariing tinutulan ng mga environmental advocate at ng alkalde ng San Fernando, Romblon ang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa resolusyong nag-eendorso sa mga aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), kasabay ng panawagang muling pag-isipan ang desisyong maaaring magbukas ng malawakang operasyon ng pagmimina sa bayan.

Ayon kay Bayay Sibuyanon chairperson at Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha, hindi dapat maliitin ang magiging epekto ng pagmimina sa pamamagitan ng pagbibigay-diin lamang sa unang development area ng proyekto na may lawak na 42 ektarya.

“Hindi lamang sukat ng unang development area ang usapin. Ang mahalagang tanong ay ang kabuuang lawak ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) at ang pangmatagalang epekto nito. Ang 42 ektarya ay bahagi lamang ng operational plan sa isang yugto, ngunit ang MPSA ay sumasaklaw sa mas malaking lugar at maaaring lumawak ang operasyon alinsunod sa mga permit at work program,” pahayag ni Galicha.

Ipinaliwanag ni Galicha na hindi permanente ang isang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) at maaari pa rin itong suspendihin o kanselahin kung mapapatunayang may paglabag sa batas at environmental regulations.

Dagdag pa niya, may mahalagang gampanin ang lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran, at kapakanan ng mga mamamayan sa ilalim ng Local Government Code.

Iginiit din ng environmental advocate na hindi dapat hintayin pang magkaroon ng pinsala bago kumilos dahil marami sa mga epekto ng pagmimina sa kalikasan ay hindi na maaaring maibalik sa dati.

“Sa usaping pangkalikasan, hindi lahat ng pinsala ay naibabalik. Kapag nasira ang watershed, nawala ang endemic species, o nalason ang ilog, hindi sapat ang pagsasabing ‘ipatitigil na lang.’ Ang prinsipyo ng prevention at precautionary principle ang sinusunod sa environmental law,” giit ni Galicha.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si San Fernando Mayor Fernando Marin sa naging desisyon ng nakararaming miyembro ng Sangguniang Bayan na aprubahan ang naturang resolusyon.

Ayon kay Marin, ang pag-eendorso ay sumasaklaw sa mga aplikasyon para sa Declaration of Mining Project Feasibility, pagmimina, Miscellaneous Lease Agreement (MLA), at Tree Cutting Permit, na aniya’y maaaring magdulot ng hindi na maibabalik na pinsala sa kagubatan, kabundukan, mga ilog at kabuhayan ng mga residente.

“Naniniwala ako na ang ganitong usapin ay hindi dapat minamadali. Nararapat itong pag-aralang mabuti, pag-usapan nang bukas at tapat, at higit sa lahat, pakinggan ang tinig ng mga mamamayan na siyang direktang maaapektuhan ng proyektong ito,” saad ni Marin.

Nangako rin ang alkalde na maingat na rerepasuhin ng pamahalaang bayan ang naturang resolusyon upang matiyak na ang lahat ng hakbang ay naaayon sa umiiral na mga batas, sa Comprehensive Land Use Plan ng lokal na pamahalaan, at sa pangmatagalang kapakanan ng San Fernando.

“Habang ako ang inyong Punong Bayan, mananatili akong naninindigan para sa kalikasan, para sa ating mga mamamayan, at para sa kinabukasan ng ating mahal na San Fernando,” ayon kay Marin.

Bilang pakikiisa sa lumalakas na pagtutol sa pagmimina, pinatunog naman nang ilang minuto ang kampana ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Immaculate Conception sa San Fernando kasabay ng kilos-protesta ng mga residente matapos iendorso ng Sangguniang Bayan ang aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa planong operasyon ng pagmimina sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,493 total reads

 41,493 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,300 total reads

 146,300 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,410 total reads

 232,410 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,544 total reads

 302,544 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,489 total reads

 334,489 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,630 total reads

 162,630 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top