Pag-endorso ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa mining operations ng APMC, pinasusuri ng gobernador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 224 total views

Nanawagan si Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic ng masusing pagsusuri sa naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa planong pagmimina sa bayan.

Ayon sa gobernadora, bagama’t bahagi pa lamang ito ng mas malawak na proseso at hindi pa ganap na pag-apruba sa proyekto, hindi dapat minadali ang pagdedesisyon sa isang usaping may malaking epekto sa kalikasan at sa mga mamamayan.

Binigyang-diin ni Firmalo-Fabic na mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maipahayag ang kanilang saloobin dahil ang mga residente ang direktang maaapektuhan ng planong pagmimina.

“Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan,” pahayag ni Firmalo-Fabic.

Ipinunto rin ng gobernadora ang natatanging halaga ng kalikasan ng Sibuyan, na tahanan ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop na kailangang pangalagaan.

Aniya, ang anumang pinsalang maidudulot sa kalikasan ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa kabuhayan at kinabukasan ng mga taga-Romblon.

Ipinaalala rin ni Firmalo-Fabic na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga proyektong naipatutupad kundi sa kakayahang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan.

“Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalang kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon,” ayon kay Firmalo-Fabic.

Nauna nang nagpahayag ng pagtutol sa naturang pag-endorso sina San Fernando Mayor Fernando Marin at Bayay Sibuyanon Chairperson at Living Laudato Si’ Philippines Executive Director Rodne Galicha, habang nagsagawa rin ng kilos-protesta ang mga residente at iba’t ibang sektor sa San Fernando.

Bilang pakikiisa, pinatunog din nang ilang minuto ang kampana ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Immaculate Conception, bilang panawagang pagpapakita ng suporta sa mga residenteng naninindigang protektahan ang kalikasan ng Sibuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 15,168 total views

 15,168 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 38,320 total views

 38,320 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 108,434 total views

 108,434 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 183,046 total views

 183,046 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 262,086 total views

 262,086 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top