Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026 sa UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,939 total reads

Inaanyayahan ni Father Jason Laguerta, Director ng Office for the Promotion of the New Evangelization, ang lahat ng mga mananampalataya na makibahagi sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) 2026 na isasagawa sa University of Santo Tomas simula sa July 24 hanggang 26.

Mensahe ng Pari at panghihikayat sa mga Pilipino na sama-samang maki-“Sangkáy” bilang pakikiisa sa misyon ng bagong ebanghelisasyon.

“Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa ating PCNE 2026 sa University of Santo Tomas ngayong July 24, 25, at 26. Tayo na po at maki-Sangkay tayong lahat!,” ayon sa paanyaya ni Father Laguerta sa idinaos na Punong-balitaan para sa PCNE 2026.

Inaanyayahan din ni John Rey Espinoza, organizer at miyembro ng Office for the Promotion of the New Evangelization at PCNE 2026, ang mga nais lumahok sa conference lalo na ang mga kabataan, na bukas pa at maaring magparehistro para sa ikatlo at huling araw ng pagtitipon na nakatuon sa PCNE for Youth.

Ipinaliwanag ni Espinoza na bagama’t limitado at napuno na ang unang dalawang araw ng onsite registration and admission, maaari pa ring makiisa ang mga hindi makakadalo sa University of Santo Tomas sa pamamagitan ng live streaming na mapapanood sa Radyo Veritas, TV Maria, opisyal na Facebook page ng PCNE, at iba pang digital platforms ng Archdiocese of Manila at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Hinikayat din nila ang mga kabataan, youth ministers, at iba pang interesadong lumahok na magparehistro sa pamamagitan ng opisyal na website ng PCNE upang maging bahagi ng pagtitipon at mga gawain ng conference.

“For those who were not able to join or to register physically at the University of Santo Tomas, you will still be joining us virtually by staying tuned to our live streaming, which will be broadcast on TV Maria, our Facebook page, and all other platforms of the Archdiocese of Manila and the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.For those who want to register, especially our young people and all our youth ministers, please visit pcne.ph to register,” bahagi naman ng paanyaya ni Espinoza sa Punong-balitaan

Binigyang-diin nina Father Laguerta at Espinoza na layunin ng PCNE 2026 na palalimin ang pananampalataya o pakikipagkaibigan kay Kristo, patatagin ang komunyon sa Simbahan, at hubugin ang mga mananampalataya bilang mga misyonerong alagad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,334 total reads

 44,334 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,054 total reads

 149,054 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,165 total reads

 235,165 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,298 total reads

 305,298 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,117 total reads

 337,117 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top