Radyo Veritas at ASA Philippines, magtutulungang mai-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,235 total reads

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Radyo Veritas sa panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa Radyo ng Simbahan.

Taos-puso ding nagpapasalamat si Fr. Roy Bellen, pangulo ng Radyo Veritas sa kabutihang loob ng ASA Philippines sa ibinigay na “board-allocated grant” sa DZRV Radyo Veritas Foundation, Inc., sa ceremonial turnover ng donasyon.

Inihayag ng pangulo ng Radyo Veritas na ang donasyon ng ASA Philippines ay makatutulong ng malaki sa pagpapaigting sa mga adbokasiya ng himpilan at maibahagi sa mas maraming mamamayan ang mabuting balita ng panginoon.

Binigyan-diin ni Fr. Bellen na ang hangaring makatulong ay higit na mahalaga kaysa sa halaga ng donasyon dahil ang bawat mabuting gawa ay nagbibigay ng pag-asa at nagsisilbing inspirasyon sa iba upang makibahagi sa pagkalinga sa kapwa.

“Ang bawat simpleng pagkilos ng kabutihan ay maaaring magbunga ng mas malawak na pagtutulungan. Ang diwa ng pagbabahagi ay may “domino effect” na naghihikayat sa iba na maging bahagi ng paglilingkod.”pagbibigay-diin ni Fr.Bellen sa kabutihan ng ASA Philippines

Ipinaabot naman ng Pari ang buong-pusong pasasalamat sa ASA Philippines sa pagtitiwala at pakikiisa sa mga adbokasiya ng Radyo ng Simbahan na kalingain ang mga dukha at ibahagi sa maraming mamamayan ang salita ng panginoon.

” Tayo pong lahat ay nai-inspire kapag nakakakita tayo ng mga taong handang tumulong. Ang mismong pagkilos na ito is already good news para sa ating lahat. Hopefully, this inspires more people. Minsan kasi ang iniisip ng iba, ‘Ito lang ang kaya kong ibigay, ito lang ang meron ako.’ Hindi po iyon ang mahalaga. The act itself is what inspires more people. Para itong domino effect—kapag may nagbigay, gusto mo ring maging bahagi nito. So hopefully, tayong lahat, it’s not so much about the amount that we can share.

It’s really the act itself. Let’s continue helping and sharing what we have. Kahit simpleng mga pagkilos lamang, malayo ang mararating niyan. Muli, sa ating mga kaibigan mula sa ASA Philippines, maraming-maraming salamat for trusting Radyo Veritas and helping us in all our advocacies. God bless you all,”ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Ibinahagi naman ni Rafael Lopa, President at CEO ng ASA Philippines foundation ang mas malawak na pakikipagtulungan sa iba’t-ibang sektor upang matulungang makaahon sa kahirapan ang maraming Pilipinong nasa laylayan ng lipunan.
Nilinaw ni Lopa na napahalaga ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga katuwang na institusyon tulad ng Radyo Veritas dahil hindi sapat ang kakayahan ng iisang organisasyon upang matugunan ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga mamamayan.

Naniniwala si Lopa na sa pamamagitan ng Radyo Veritas ay mabibigyan nito gabay at pag-asa ang mga nangangailangan.

Iminungkahi rin ni Lopa ang mas matatag na koordinasyon ng dalawang organisasyon upang matukoy ang mga komunidad na maaari nilang mapagsilbihan nang sama-sama, kabilang ang mga kababaihang nangangailangan ng kabuhayan at iba pang programang tutulong na makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Simbahang Katolika ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa paglilingkod sa mahihirap dahil binibigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang tunay na pag-asa ay lumalago sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng bawat tao.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,737 total reads

 6,737 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,537 total reads

 60,537 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,902 total reads

 145,902 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,639 total reads

 192,639 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,510 total reads

 240,510 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,472 total reads

 341,472 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,740 total reads

 6,740 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top