Archdiocese of Nueva Segovia, hinimok ng Cardinal na paigtingin ang synodal renewal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 315 total views

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang Archdiocese of Nueva Segovia na ipagpatuloy at paitingin ang synodal renewal at pagbubuo ng mga pamayanang nagsasama-sama sa pakikinig, pakikilahok, at misyon.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo nito bilang arkidiyosesis sa banal na misang pinangunahan ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio sa Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul sa Vigan City noong July 22.

Sinariwa ni Cardinal Quevedo ang makasaysayang Nueva Segovia Pastoral Assembly (NSPA) noong 1992, na kanyang inilarawan bilang simula ng panibagong yugto ng buhay ng lokal na Simbahan dahil sa pagtataguyod nito ng synodal na paraan ng pamumuhay at paglilingkod.

“A new period began in the history of Nueva Segovia in 1992, when the landmark Nueva Segovia Pastoral Assembly, or NSPA, took place. It was synodal in nature, and the clergy truly listened,” ayon kay Cardinal Quevedo.

Aniya, naging bukas noon ang mga pari sa pakikinig, maging sa mga puna at mungkahi ng mga layko hinggil sa kanilang pamumuhay at ministeryo, na nagbigay-daan sa mas malalim na pagbabago sa pastoral na direksyon ng arkidiyosesis.

Itinampok ni Cardinal Quevedo ang pagtatatag ng Basic Ecclesial Communities (BECs) na naging pundasyon ng pamayanang synodal sa Nueva Segovia.

“The BECs of Nueva Segovia were the first-ever synodal communities in the whole of Luzon and the Visayas,” pahayag ng kardinal.

Paliwanag ng kardinal na sa pamamagitan ng maliliit na pamayanan ay naging sentro ang Salita ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya, na nagbunga ng masiglang pakikilahok ng mga layko sa misyon ng Simbahan at sa paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din ng dating arsobispo ng Nueva Segovia na bahagi ng pastoral na pagbabago ang pagbuwag sa kultura ng clericalism sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malaking papel sa mga layko sa pamamahala ng mga parokya.

“Terms of office for parish ministries were established. Parish councils and parish finance councils were empowered to end clericalism, in which all power resides in bishops and priests. It was also a way of bringing forth servant leadership,” ayon pa ni Cardinal Quevedo.

Kasabay nito ay inilarawan niya ang dalawang mahalagang haligi ng synodality na dapat manatiling gabay ng Simbahan.

“From the side of bishops, priests, and religious, the key to synodality is servant leadership. From the side of the lay faithful, the key to synodality is empowerment,” dagdag pang kardinal.

Ayon kay Cardinal Quevedo, ang pagbubuo ng Basic Ecclesial Communities ay kaakibat ng hangaring maging isang “Church of the Poor,” kung saan inuuna ang paglilingkod sa mahihirap at kinikilala ang ambag ng bawat isa sa buhay ng Simbahan.
Apela ni Cardinal Quevedo sa mga mananampalataya na huwag lamang gunitain ang kasaysayan ng arkidiyosesis kundi ipagpatuloy ang diwa ng pastoral renewal na nagsimula noong dekada 1990.

“May our Diamond Jubilee revive the memories of the transformative years from 1992 to 1998 and renew our desire for perhaps new forms of synodal communities in view of changing pastoral contexts and challenges,” ani ng kardinal.

Samantala, sa mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, binigyang-diin nito na hindi lamang ito paggunita sa pagkatatag ng arkidiyosesis kundi pagkilala sa mahigit apat na siglong paglaganap ng pananampalataya partikular sa Northern Luzon.

“What we’re really celebrating is the amazing fruitfulness of evangelization here in Northern Luzon… That’s what we’re saying, thank you to God for today—evangelization, expansion, missionary spirit. We can say the synodal spirit of the Church, which continues in our own time,” ayon kay Archbishop Brown.

Binigyang-diin ng nuncio na habang patuloy na isinusulong ng Simbahan ang “preferential option for the poor,” mahalaga ring bigyang-pansin ang kabataan bilang pangunahing prayoridad ng misyon sa kasalukuyan at sa kinabukasan ng Simbahan.

Hamon ni Archbishop Brown na maging malikhain sa pag-abot sa mga kabataan upang matiyak na maipagpatuloy ang paglago ng Kristiyanong pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.
“Another preferential option… very central to the mission of the Church… is what I would call the preferential option for the young. We need to evangelize the young. We have to think creatively. We have to think in new ways about how to bring the light of the Gospel to young people in today’s world,” ayon pa sa nuncio.

Naitatag ang arkidiyosesis sa pamamagitan ng Papal Bull ni Pope Pius XII na ‘Quo in Philippina Republica’ noong June 29, 1951 at ganap na naipatupad noong July 22, 1951 kung saan naging unang arsobispo sa lugar si Archbishop Santiago Sancho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,457 total views

 50,457 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,539 total views

 83,539 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 111,890 total views

 111,890 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 179,622 total views

 179,622 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 199,245 total views

 199,245 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top