Gawing pundasyon ng buhay at misyon ang pakikipagkaibigan kay Kristo, Bishop Sescon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,473 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr. ang mga kabataan na gawing pundasyon ng kanilang buhay at misyon ang tunay na pakikipagkaibigan kay Hesukristo.

Iginiit ng obispo na ang ebanghelisasyon ay nagsisimula sa mga personal na ugnayan at hindi sa mga programa.

Sa kanyang homiliya sa banal na misa para sa PCNE XII All Youth sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas, sinabi ng obispo na ang temang “Sangkay” ng ika-12 PCNE ay higit pa sa simpleng pagkakaibigan sapagkat ito ay paanyaya upang maging tunay na mga disipulo at misyonero ni Kristo.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na ang Simbahan ay tinatawag na maging pamayanan ng mga taong naglalakbay nang magkakasama tungo sa kaharian ng Diyos.

“Evangelization begins not with programs, but with persons; not with structures, but with relationships; not with slogans or campaigns, but with friendships,” ayon kay Bishop Sescon.
“The Church is not merely an organization, but a community—a friendship of missionary disciples.”

Ipinaliwanag ni Bishop Sescon na lumalago ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Christianity begins not with a doctrine, but with a friendship,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na ang pakikipagkaibigan ay pangunahing hakbang sa ebanghelisasyon sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at sa pagsasabuhay nito sa lipunan.

“Friendship is not a strategy. It is the first language of the Gospel. We cannot introduce a friend to others whom we ourselves barely know,” giit ni Bishop Sescon.

Binigyang-pansin din ni Bishop Sescon ang nararanasang pag-iisa ng maraming tao sa makabagong panahon sa kabila ng paglaganap ng social media.

Hinimok niya ang bawat mananampalataya na maging “sangga” ng kapwa sa pamamagitan ng pagdamay, pakikinig at pag-akay sa mga nahihirapan sa buhay.

Sinabi ng obispo na nararapat na maging kanlungan ng mga sugatan at ng mga naghahanap ng pag-asa ang Simbahan.

Nagbabala rin si Bishop Sescon laban sa maling pag-unawa sa pagkakaibigan na nakabatay lamang sa pagkampi at pagtatakip sa mga nagkakasala.

Ayon sa kanya, ang tunay na kaibigan ay umaakay sa kabanalan at katotohanan.

“A true friend is one who lovingly challenges us to holiness, to truth, to goodness. The true friend, the real friend, the best friend, is the one who introduces us to Jesus” giit ni Bishop Sescon.

Sinabi pa ng obispo na ang pinakamahalagang handog ng isang kaibigan ay hindi materyal na tulong kundi ang pagpapakilala kay Hesukristo.

Binigyang-diin din niya na ang tunay na pagkakaibigan ay nag-aakay sa kapwa na makatagpo si Kristo.

“Evangelization does not end when someone becomes our friend. Neither does it end when someone attends church. It reaches its fullness when friendships become communities of missionary disciples, leading others toward the holiness, healing, and hope of Jesus,” aniya.

Hinimok ni Bishop Sescon ang mga kabataan na maging tunay na mga kaibigan ni Hesus at ipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa kanilang mga paaralan, parokya at pamayanan.

“Befriend Jesus. From being a friend, become His disciple. From being a disciple, become His missionary,” giit ng obispo.

Dumalo sa PCNE XII All for Youth ang libu-libong kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya at tumugon sa panawagan ng Simbahan na maging mga misyonerong alagad ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagkakaibigan, pakikipagkapwa, at sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,826 total reads

 8,826 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,497 total reads

 63,497 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,862 total reads

 148,862 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,599 total reads

 195,599 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,471 total reads

 243,471 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,302 total reads

 344,302 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top