KULANG SA SONA NI PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374,131 total reads

Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin, likas na sa tao ang hindi nakukuntento.

Sa halos 188-minutong SONA ni PBBM, marami ang palakpakan, makailang ulit din ang standing ovation ng mga panauhin sa gallery o session hall ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, pero napakarami pa ring usapin ang nakaligtaang ilahad sa mamamayang Pilipino.

Kapanalig, hindi nasabi, hindi ini-ulat ni PBBM sa kanyang mga boss na Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa. Ang pangunahing layunin ng SONA ay i-ulat ng pangulo ang tunay na kalagayan ng bansa, bakit sa lahat na nagdaang pag-uulat sa bayan ay ikinukubli ito ng pinakamataas na lider sa taumbayan?

Palakpakan si PBBM sa pangakong alisin na ang system loss charges sa electricity bill, pero kailangang pang amyendahan ang depektibong EPIRA law bago ito maisakatuparan. Aalisin din daw ng pangulo ang 12-percent na VAT, na nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan.

Positibo din ang pagtutok sa pagpapalakas ng serbisyong panlipunan, magpapabuti sa sektor ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, disenteng trabaho daw? Repormang agraryo pero marami ang umaalma, pagpapalakas sa laban sa katiwalian-ilang big fish kaya ang makukulong? Isasakatuparan din ng kasalukuyang administrasyon ang reporma sa sektor ng enerhiya na nagpapahirap sa mga consumer at pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea bagama’t laging kawawa ang puwersa ng AFP at mga mangingisda dahil sa harassment, pambu-bully ng China.

Pero Kapanalig, ekis naman para sa taumbayan ang pagsusulong ng administrasyong Marcos sa paggamit ng natural gas, nuclear power at waste to energy technologies sa halip na paglipat ng bansa sa malinis at renewable energy na community centered at climate-resilient energy system.

Nakalimutan o sadyang isantabi ni PBBM ang ilang dekada nang pagsusulong para maisabatas ang isang tunay na anti-dynasty law? Wala ding suporta ang pangulo sa pagsasabatas ng Right to Information Act.

Wala ding commitment ang pinakamataas na lider na gawing institutionalized ang transparency, alisin ang umprogrammed at discretionary funds na naging ugat ng malawakang korapsyon. Wala ding aksyon sa pag-amyenda sa bank secrecy law upang masilip ang mga financial crimes, matigil ang money-laundering at masawata na ang tax evasions.

Bagkus Kapanalig, mas ipinagmamalaki at prayoridad pa ni PBBM ang dole-outs program tulad ng TUPAD, AICS, PAFF, MAIFIP na sanhi ng political patronage.

Sumakatuwid, ang mga ginagawa at gustong gawin ng pamahalaan ay pawang pandanliang solusyon, walang itong pangmatagalang tugon sa mga suliraning kinakaharap ng mamamayang Pilipino.
Sinasabi ni Pope Francis na nakakabuti ang politika kung ito nagsisilbi sa mamamayan at hindi sa personal na interes, interes ng mga kamag-anak, kaibigan, partido at mayayamang donors.

Ang payo sa mga lider ng bansa, isapuso ang Mark 10:45: na nagsasabing “For even the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many.’ Catholic public servants are called to serve their communities with humility and love.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,252 total reads

 47,252 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,755 total reads

 133,755 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,792 total reads

 176,792 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,550 total reads

 226,550 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,662 total reads

 385,662 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,254 total reads

 47,254 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,757 total reads

 133,757 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,794 total reads

 176,794 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,552 total reads

 226,552 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top