Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total views

19th Sunday in Ordinary Time Cycle A
1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33

Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo, kaya nga tayo nagsisimba, nagdarasal, tumutulong sa kapwa, nagbabalik-handog at nagpopondo ng Pinoy. Gusto din ng Diyos na makikipagtagpo sa atin. Kaya nga pinadala niya ang kanyang bugtong na anak na maging tao. Kaya nga isinugo niya ang simbahan na magpahayag ng Magandang Balita ng pagmamahal niya sa buong mundo. Hindi naman siya naglalaro ng taguan sa atin. Siya ay Diyos na nagpapakilala. Ang tanong ay: Ano ang dapat nating gawin upang magtagpo tayo ng Diyos?
Ang Diyos ay Diyos. Dakila siya! Higit siya kaysa atin! Ang paraan niya ay hindi ayon sa pamamaraan natin. Handa ba tayong tagpuin siya sa paraan ng kanyang paglapit sa atin? Siya ang masusunod, hindi naman tayo. Pero bukas ba tayo na harapin siya?

Si propeta Elias ay nawawalan na ng pag-asa. Akala niya matagumpay na siya. Napatunayan na niya sa harap ng haring si Acas at ng mga tao na si Yahweh ang tunay na Diyos. Si Yahweh ay nagpadala ng apoy sa bundok ng Carmelo upang laplapin ang alay ni Elias habang walang nangyari sa mga dasal at sayaw ng apatnaraang propeta ng Baal. Pero nagalit ang reynang si Jezebel at nangakong ipapapatay siya. Kaya dali-daling tumakas si Elias at lumakad ng apatnapung araw papunta sa bundok ng Horeb upang doon magsumbong at magreklamo kay Yahweh. Nag-antay siya kay Yahweh sa isang yungib ng bundok.

Noong panahon ni Moises na mga limang daang taon nang nakaraan, doon din si Moises pumunta sa Horeb na kilala noong bundok ng Sinai upang makipagtagpo sa Diyos at upang kunin ang mga Batas niya. Kaya sa bundok na ito ay gusto rin ni Elias na makipagtagpo sa Diyos. Pero kakaiba ang pagdating ng Diyos sa kanya kaysa kay Moises. Noong panahon ni Moises dumating ang Diyos sa gitna ng malakas na usok at hangin, na may malakas na kidlat, kulog at lindol. Para iyong isang nakakatakot na volcanic eruption. Doon naranasan ng mga Israelita ang Diyos na makapangyarihan. Noong panahon ni Elias ang Diyos ay wala sa malakas na hangin, o sa apoy, o sa lindol. Umihip ang mahinahon na hangin. Lumabas ang propeta sa yungib at doon niya nakatagpo ang Panginoong Diyos. Nagsumbong siya sa Diyos at doon din siya binigyan ng instructions kung ano ang gagawin niya pagbalik niya sa kanyang bayan.
Si Jesus din ay dumating sa mga alagad pero sa kakaibang paraan. Dumating si Jesus sa mga alagad na naglalakad sa tubig, sa gitna ng malakas na alon at hangin sa lawa ng Galilea. Kakaiba itong pahayag ng kapangyarihan – naglalakad sa tubig sa gitna ng bagyo! Tuloy akala ng mga alagad na multo ang lumalapit sa kanila. Nangahas si Pedro na hamunin si Jesus kung talagang siya iyon. Papuntahin niya siya sa kanya sa dagat. Pinalapit siya ni Jesus: “Halika!” sabi ni Jesus sa kanya. Nakalakad nga si Pedro sa dagat, pero noong nawala ang attention niya kay Jesus at mas pinansin niya ang alon at ang hangin kaysa si Jesus, nagsimula siyang lumubog. Tumawag siya at inabot naman ni Jesus ang kanyang kamay at sinagip siya. Pinagwikaan siya ng Panginoon: “Bakit ka nag-alinlangan? Kay hina ng iyong pananalig!”

Makakatagpo natin ang Diyos kung gusto natin at hinahanap natin siya. Pero dumadating siya sa iba’t-ibang pamamaraan. Kung tayo ay nagdi-discern, matatagpuan natin siya. Kaya kailangan natin ng kahandaan.

• Una, maging handa tayo sa kanyang pagdating sa ibang paraan. Iba ang pagdating niya kay Moises at iba naman ang pagdating niya kay propeta Elias sa parehong bundok. Mahinahon ang kanyang pagdating kay Elias pero sa mga apostol dumating siya sa gitna ng bagyo. Maaaring iba ang pagdating niya ngayon sa atin kapag tayo ay nagdarasal kaysa pagdating niya noon. Kaya huwag nating ikulong ang Diyos sa karanasan natin noon.

• Pangalawa, kailangan tayong lumapit sa kanya upang matagpuan siya. Kailangang lumakad ni Elias ng apatnapung araw para makarating sa bundok ng Horeb. Kailangan si Pedro na mag try na lumakad din sa tubig.

• Pangatlo, kailangan na hindi mawala ang ating attention sa Panginoon. Si Elias ay hindi nadistract ng malakas na hangin, ng lindol at ng apoy. Patuloy pa rin siyang nag-antay sa Diyos na darating. Si Pedro ay nadistract ng malakas na hangin at alon. Nawala ang kanyang attention kay Jesus. Nanghina ang kanyang pananampalataya.

• Pang-apat, sa ating kahinaan, tumawag tayo sa Panginoon. Hindi niya tayo pababayaan. Sasagipin niya tayo. Hindi hahayaan ng Diyos na maligaw tayo sa paghahanap natin sa kanya.

Sa Banal na Kasulatan may madalas na panawagan sa Diyos: “Lord , I want to see your face. It is your face O Lord that I seek.” Ang paghahangad na makita ang mukha ng Diyos ay paghahangad na lumapit sa kanya upang lalo siyang makilala. Sana nasa atin ang hangaring itong. Kung talagang mahal natin siya, lumalapit tayo sa kanya at kinikilala natin siya.

Hindi lang tayo ang naghahanap sa kanya. Ang Diyos mismo ay naghahangad na lumapit sa atin. Nagpapakilala siya sa atin. Nagsasalita siya sa atin. Kaya nga pinadala niya ang simbahan upang patuloy na mangaral at patuloy na ipakilala siya. Kaya nga ang simbahan ay patuloy na nagdiriwang ng mga sakramento, kasi ang mga sakramento ay mga pagkakataon ng pakikipagtagpo sa Diyos. The sacraments are encounters with Christ. Sana nga natatagpuan natin ang presensiya ng Diyos kapag tayo ay nagpapabinyag, kapag tayo ay nagpapakasal, kapag tayo ay nagkukumpisal at kapag tayo ay nagsisimba. Hindi lang mga seremonyas ang mga sakramento. Sa pamamagitan ng mga gawain at mga bagay na nakikita sa mga sakramento, napapalapit tayo sa kanya. Napapalapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng tubig ng binyag, ng langis ng kumpil at ng pagpapahid ng langis, ng tinapay at alak sa misa, ng salita ng pagpapatawad sa pagkukumpisal. Iba’t-ibang paraan ang ginagamit ng Diyos upang mapalapit tayo sa kanya. Tanggapin natin ang mga sakramento at lumapit sa Diyos. Makatatagpo natin siya sa mga sakramento.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 12,498 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 12,603 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 77,368 total views

 77,368 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 146,763 total views

 146,763 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 178,047 total views

 178,047 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 210,060 total views

 210,060 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 358,363 total views

 358,363 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 2, 2026

 15,072 total views

 15,072 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 16,786 total views

 16,786 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 22,127 total views

 22,127 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 29,353 total views

 29,353 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »
Scroll to Top