Acosta, inaming naglabas ng 500-milyon pisong confidential fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,459 total reads

Inamin ng dating Special Disbursing Officer o SDO ng Office of the Vice President na si Gina Acosta na naglabas siya ng kabuuang ₱500 milyon confidential funds sa isang security officer na hindi fidelity-bonded.

Sa pagpaptuloy ng pagdinig ng Senate Impeachment Court, sinabi ni Acosta na apat na beses niyang inilabas ang tig-₱125 milyon kay Col. Raymund Dante Lachica mula Disyembre 2022 hanggang sa ikatlong bahagi ng 2023.

Ayon kay Acosta, itinalaga ni Vice President Sara Duterte si Lachica para magsagawa ng confidential activities ng OVP.

Sa pagdinig, lumitaw din na hindi personal na nasuri ni Acosta kung paano aktuwal na ginastos ni Lachica ang ₱500 milyon.

Sinabi rin si Acosta na hindi niya personal na nakita kung naibigay sa mga nakalistang recipient ang mga halagang nakasaad sa acknowledgment receipts.

Kabilang sa mga dokumentong kanyang tinanggap ang mga acknowledgment receipt para sa sinasabing ₱75 milyon na ginastos sa supplies, medical at food assistance sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022.

Wala ring official receipts para sa naturang halaga, habang may ilang acknowledgment receipt na kulang sa petsa o pangalan.

Umasa rin si Acosta sa liquidation report para sa ₱16 milyon na ginastos sa pag-upa ng mga safe house.

Samantala, kinilala ni Acosta ang mga lagda ni Vice President Duterte sa liquidation reports ng apat na ₱125-milyong cash tranche, na nagkakahalaga ng kabuuang ₱500 milyon.

Sa dating testimonya ni Acosta sa House, sinabi rin niyang inilabas niya ang unang ₱125 milyon kay Lachica matapos makuha ang approval ni Vice President Duterte

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,519 total reads

 21,519 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,273 total reads

 58,273 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,543 total reads

 284,543 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,010 total reads

 178,010 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,882 total reads

 270,882 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,082 total reads

 5,082 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top