Matatag na pamilya, mabisang pananggalang sa drug addiction

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,612 total reads

Nanatiling ang matatag na pamilya ang isa pangunahing pananggalang laban sa pag-iwas sa pagkakalulong sa droga ng mga kabataan.

Ito ang binigyan-diin ni Pope Leo XIV sa pakikipagpulong sa mga kalahok sa 3-day conference na may temang “Faith-Based Response to Drugs and the Criminal Recruitment of Young People: A Dialogue from Latin America and the Caribbean to the World.”
“Today, we bear witness to the pain of many broken families, whether due to drug use, violence, the criminal recruitment of a child, poverty, or the lack of opportunities that push people to the margins of society,” paliwanag ni Pope Leo.

Kabilang din sa nakibahagi sa talakayan si Fr. Roberto Dela Cruz ng Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay-isang parish at community based rehabilitation ng simbahan sa Pilipinas para sa mga nalulong sa bisyo.

Ang Sanlakbay na itinatag noong 2016 ng noo’y arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luist Antonio Tagle -ang kasalukuyang Pro-Prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization, bilang tugon ng simbahan sa problema ng droga sa bansa at laban sa umiiral na drug war sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na malaki ang tungkulin ng pamilya sa paggabay sa mga kabataan upang hindi malihis ng landas.

“The family, which the Second Vatican Council rightly called the ‘domestic church,‘ is the place where life is nurtured, cared for, and planned. There is no better defense against drugs than a good family,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon sa Santo Papa, maraming pamilya ang naaapektuhan at nasisira dahil sa droga, karahasan, kahirapan, pagsali ng mga kabataan sa mga grupong kriminal, at kakulangan ng oportunidad sa trabaho.

Hinikayat ng pinunong pastol ang ng pagbibigay-halaga muli sa pamilya bilang domestic church o tahanan kung saan nahuhubog, inaalagaan at ginagabayan ang mga anak.

Binigyang-diin din ni Pope Leo na hindi lamang ang taong nalulong sa droga ang dapat tulungan, kundi ay marapat ding suportahan ang pamilya at komunidad na nakapaligid sa kanya.

Hango rin ang pagtitipon sa mga karanasan ng dating Buenos Aires Archbishop Jorge Mario Bergoglio, na kalaunan ay naging si Pope Francis, sa pagtulong sa mga taong may problema sa droga at iba pang suliraning panlipunan.

Sa kanyang mensahe, muling binigyang-diin ni Pope Leo ang tungkulin ng Simbahan na maging malapit sa mga taong dumaranas ng paghihirap at tumulong na maiwasan ang pagkakalugmok ng mga kabataan sa droga at krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 68,151 total reads

 68,151 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 105,523 total reads

 105,523 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 136,786 total reads

 136,786 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 209,562 total reads

 209,562 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 300,446 total reads

 300,446 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 23,170 total reads

 23,170 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top