Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total reads

Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang ipinagdarasal ang kaligtasan at katatagan ng mga apektadong komunidad.

Sa kanyang mensahe, pinarating ni Bishop Presto ang kanyang panalangin para sa mga Pilipinong dumanas ng matinding pagbaha nitong mga nakaraang araw, kabilang ang mga nawalan ng bahay at kabuhayan.

Hinimok ng obispo ang mga apektadong mamamayan na manatiling matatag at patuloy na kumapit sa pananampalataya sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok na kanilang nararanasan.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Bishop Presto ang kahalagahan ng pakikiisa ng pamahalaan at ng bawat mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa harap ng mga epekto ng climate change na nagdudulot ng mas matitinding pag-ulan at pagbaha.

Nanawagan din siya sa mga opisyal ng pamahalaan na pangalagaan ang natitirang kagubatan sa bansa, iwasan ang hindi kinakailangang pagputol ng mga puno, at pag-aralang mabuti ang pagbibigay ng permit sa mga mining company upang maiwasan ang pagkasira ng mga kabundukan, kapatagan at karagatan.

“Sa mga dumanas ng matinding pagbaha simula pa sa mga nagdaang araw at sa kasalukuyan, ay aking ipinaabot ang panalangin na nawa ay ilayo kayo sa anumang matinding sakuna. At sa mga nasiraan ng bahay at kabuhayan, ay panatilihin lamang po ang pagiging matatag, buhat sa pananampalataya sa Diyos. Alam natin na ang matinding pag-ulan ay dulot na ng climate change, kung kaya’t mas lalo pa sanang paigtingin ng gobyerno at ng pakikiisa ng bawat mamamayan ang pangangalaga sa kalikasan, tulad ng pagtatanim ng mga puno sa kabundukan. Ingatan sana natin, lalo na ng ating mga government officials, at alagaan ang natitirang kagubatan sa ating bansa. Huwag basta-basta putulin ang mga puno kung hindi naman kinakailangan, at pag-aralang mabuti ang pagbibigay ng permit sa mga mining companies na tiyak na maninira sa ating mga kabundukan, kapatagan at karagatan,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng obispo ang mga government officials na unahin ang kapakanan ng bayan at tiyaking maayos ang pagpapatupad ng mga proyektong pampubliko, kabilang ang flood control, mga kalsada, paaralan at ospital, dahil ang mga pagkukulang sa mga ito ay higit na nakaaapekto sa mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ayon kay Bishop Presto, ang paulit-ulit na matitinding pagbaha ay maaaring magdulot ng kalungkutan, galit at pagkawala ng pag-asa sa mga Pilipino.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga mamamayan na huwag kalimutan ang kanilang mga karanasan sa panahon ng kalamidad, lalo na sa pagpili ng mga lider sa darating na halalan, at suportahan ang mga pinunong tunay na nagmamalasakit sa bansa at inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga mahihirap.

“Ang mga government officials sana ay isipin muna kung ano ang makakabuti sa ating bayan. Iwasan po ang kumita mula sa mga proyekto ng gobyerno tulad ng flood control, mga daan, paaralan, hospital at iba pa. Kapag hindi mahusay ang pagkakagawa ng mga ito, ang mga mamamayan, lalo na ang mga mahihirap, ang mas lalong naaapektuhan. Kung taun-taon ay dinaranas ng karamihan ang ganitong matitinding pagbaha, ay naghahatid ito ng labis na kalungkutan, galit at pagkawala ng pag-asa sa ating mamamayan. Huwag po nating kalilimutan ang ganitong karanasan, lalo na sa darating na eleksyon. Pumili tayo ng mga mamumuno na tunay na magmamalasakit sa ating bansa, na ang iniisip ay ang kapakanan, lalo higit ng mga mahihirap, at ng ikabubuti ng ating bansa. Huwag po nating kalilimutan magdasal sa tuwing tayo ay dumaranas ng mga ganitong hirap sa buhay,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Sa huli, sa kabila ng mga pagsubok, pinaalalahanan ni Bishop Presto ang mga Pilipino na patuloy na manalangin at manatiling matatag sa pananampalataya habang sama-samang humaharap sa mga epekto ng kalamidad.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 885 total reads

 885 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 31,854 total reads

 31,854 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 116,756 total reads

 116,756 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 154,129 total reads

 154,129 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 185,388 total reads

 185,388 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 256,863 total reads

 256,863 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top