Huwag hayaang manaig ang galit at karahasan, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,035 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV na huwag hayaang manaig ang galit at karahasan, lalo na sa panahong nahaharap ang mundo sa maraming kaguluhan at pagkakahati.

Sa kanyang homiliya sa Castel Gandolfo, hinikayat ng Santo Papa ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.

“Hatred and violence lead to nothing good, but only to destruction and death, always—even when they are a response to injustices suffered. We see this every day, from the smallest circumstances of our domestic lives to the great stage of the world,” ayon sa mensahe ng Santo Papa.

Inihalimbawa ni Pope Leo ang Ebanghelyo tungkol kay Hesus na lumakad sa tubig habang may bagyo. Ayon kay Pope Leo, tulad ng mga alagad ni Hesus, kailangang patuloy na magtiwala sa Diyos kahit malakas ang mga unos sa buhay.

Binigyang-diin ng Santo Papa na pag-ibig ang daan tungo sa tunay na buhay at kapayapaan, habang ang galit at karahasan ay humahantong lamang sa pagkawasak at kamatayan.

Hinikayat ni Pope Leo ang mga mananampalataya na huwag hayaang baguhin ng galit at mga sugat ng nakaraan ang kanilang pagkatao.

Sa halip, dapat pairalin ang pagpapatawad, pag-asa at pag-ibig, mula sa pamilya hanggang sa mga bansa.

Binigyan diin din ng pinunong pastol ang halaga ng mga simpleng gawaing pananampalataya na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Matapos ang Misa, pinangunahan ni Pope Leo ang tradisyonal na prusisyon ng Our Lady of the Lake sa Lake Albano.

Naging makasaysayan ang pagdiriwang dahil si Pope Leo ang kauna-unahang Santo Papa na sumama sa prusisyon sakay ng bangka sa lawa.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang, muling hinikayat ni Pope Leo ang mga mananampalataya na maging tanda ng presensya ng Diyos sa mundo sa pamamagitan ng pagkakaisa, kapayapaan at pagmamahal sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,869 total reads

 66,869 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,523 total reads

 102,523 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,823 total reads

 137,823 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,093 total reads

 364,093 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,718 total reads

 253,718 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 11,684 total reads

 11,684 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top