Mas mabigat kaysa teknikalidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 239,935 total reads

Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa natin ito sa Mateo 23:23: “Kahabag-habag kayo…! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan.”

Mahalaga ang sinasabi sa ating mga batas at mabuting sundin ang mga tuntunin, pero may mas mabibigat na bagay na dapat unahin, gaya ng katotohanan at katarungan. 

Ganito rin ang mensahe ng isa sa mga amici curiae (o “friends of the court”) na inimbitahan ng Senate impeachment court para hingan ng opinyon tungkol sa pagtatakda ng bilang ng botong kailangan para ma-convict o ma-acquit si Vice President Sara Duterte. Ayon kay retired Chief Justice Artemio Panganiban, kung magiging istrikto sa paggamit ng 16 na boto bilang katumbas ng two-thirds ng mga senator-judges, hindi patas ang kalalabasan ng impeachment trial. (Sa ating Konstitusyon kasi, nakasulat na 2/3 dapat ng mga bumubuo ng senado ang magpapasya sa isang impeachment trial, pero hindi naman 16 ang nakalagay sa teksto.) 

Ang punto ni Justice Panganiban, kung ang pamantayang gagamitin para bilangin ang mga dapat bumoto ay napakaistrikto at hindi na isinasaalang-alang ang mga senador na absent o hindi kwalipikadong magpasya, nawawalang-saysay ang katarungan at siguradong maa-acquit lang ang akusado. Para sa dating chief justice, hindi makatarungan sa publiko at sa proseso ng batas ang hindi pagdalo ng mga senador sa hearing at hindi pag-aaral sa mga ebidensya at pagkatapos ay susulpot na lang sa araw ng pagdedesisyon. Dagdag pa niya, dapat magsilbi ang mga tuntunin sa mas malawak na layunin ng paggagawad ng patas na hatol. 

Naniniwala rin si Justice Panganiban na ang Senado lamang ang may kapangyarihang magbago ng basehan ng pagboto depende sa kung sino ang aktwal na nakikilahok. Kung siya ang tatanungin, hindi 2/3 ng 24 ang threshold kundi 2/3 ng bilang ng mga senador na naglaan ng panahon para seryoso at aktibong makilahok sa impeachment trial. 

Anong say ninyo, mga Kapanalig? Sa tingin ninyo, okay lang bang bumoto at magdesisyon ang mga senador na nagtatago, hindi nagpapakita, nasuspinde, at nakakulong?

Mahigit sampung linggo nang tumatakbo ang impeachment trial ni VP Sara. Sa apat na articles of impeachment, tatlo na ang natatalakay—ang grave threats, ang hindi maipaliwanag na yaman, at maling paggamit ng confidential funds. Labing-apat na testigo na ang naipresenta ng prosekusyon, at may mga inaasahan pa sa mga susunod na linggo. Marami nang narinig at nalaman ang taumbayan—pero higit sa lahat, ang mga senator-judges ang unang dapat makaintindi at makapagtimbang sa mga ebidensyang iniharap at sinuri. Hindi nga natin sigurado kung ang mga pumapasok na senador ay masinop sa kanilang pag-aaral sa mga ebidensya at salaysay, paano pa kaya ang mga absent sa impeachment trial?

Ngayong narinig na ng senate-impeachment court ang posisyon ng mga amicus curiae, itakda na sana nito ang voting threshold na gagamitin para sa pagdedesisyon kung guilty o not guilty ang pangalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno. Naghihintay ang taumbayan at wala nang panahong dapat sayangin ang ating mga senator-judges. Sabi nga ni Bishop Jose Colin Bagaforo noong isang taon, kung patatagalin pa ang impeachment trial, hihina ang tinatawag nating public trust o tiwala ng publiko sa mga institusyon ng demokrasya. Labag ito sa kabutihang panlahat o common good, sa katarungan, at sa katotohanan.

Mga Kapanalig, kung hindi man lahat ng senador, mas marami sana sa kanila ang magpasya batay sa katotohanan, katuwiran, at katarungan.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,248 total reads

 47,248 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,751 total reads

 133,751 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,788 total reads

 176,788 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,546 total reads

 226,546 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,659 total reads

 385,659 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,249 total reads

 47,249 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,752 total reads

 133,752 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,789 total reads

 176,789 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,547 total reads

 226,547 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top