Epekto ng Martial law, patuloy na umiiral sa bansa-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,800 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng patuloy na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ito ang mensahe ni Bishop Alminaza sa isinagawang Mass of Hope and Prayer for the Philippines sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila, kung saan binigyang-diin niya na bagama’t natapos na ang Martial Law, nananatili ang ilan sa mga epekto nito, kabilang ang takot at kultura ng impunity, habang patuloy ding hinaharap ng bansa ang katiwalian.

Ayon kay Bishop Alminaza, mahalagang panghawakan ang pag-asa sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng bansa at huwag sumuko sa kawalang-pag-asa.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na maging “liwanag ng pag-asa” at makilahok sa pagsusulong ng pagbabago, kabilang ang panawagan para sa pagpasa ng batas laban sa political dynasties at pananagutan ng mga sangkot sa mga paglabag.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na may magagawa ang mamamayan upang tugunan ang mga problema ng bansa, lalo na ang konsentrasyon ng kapangyarihang pampolitika sa iilan.

“Kaya kailangan tayo sama-sama na magtugon doon sa panawagan. Kailangan kasi ang hope na itaguyod kasi madali mag-succumb to hopelessness kasi ang dami na ngang suliranin. Pero kahit na hindi pa lubos na natugunan yung problema, kailangan pa rin tayong magpatuloy, hindi huminto. Dapat maging liwanag tayo ng pag-asa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Nanindigan naman si United Church of Christ in the Philippines Bishop Victor Paller sa pakikiisa ng kanilang simbahan sa paggunita sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Martial Law, kabilang ang pag-alala sa mga buhay na nawala, mga dinakip, dinukot at pinaslang, gayundin ang mga paglabag sa karapatang pantao noong panahong iyon.

Hinimok ni Bishop Paller ang mga mamamayan na magkaisa upang matiyak na hindi na mauulit ang karahasang iniuugnay sa Martial Law, habang binanggit din ang usapin ng korapsyon at pangangailangang papanagutin ang mga sangkot.

Ayon kay Bishop Paller, ipinakikita ng pagkakaisa ng iba’t ibang denominasyon at simbahan na sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, nagkakaisa ang mga mamamayan sa pagtutol sa karahasan, kahirapan at kawalang-katarungan.

“Nais kong ipahatid sa pamamagitan din ng aming simbahan ang pakikipagkaisa sa pag-alala sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan napakaraming buhay ang nawala, dinakip, dinukot, pinaslang, at mula doon ay naranasan ang napakalaganap na paglabag sa karapatang pantao. Hindi na ito dapat magpatuloy, hindi dapat maulit. Kaya kami sa taong simbahan ay kasama ng mga mamamayan at hinihikayat ang bawat isa na atin ipakita na kailanman ay hindi natin papayagang maulit ang karahasang dulot ng Martial Law. Patuloy din ang aming panawagan: lahat ng sangkot, dapat managot,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Paller sa kaniyang panayam sa radyo Veritas.

Kasama ang United Church of Christ in the Philippines sa isinagawang Misa para sa Pag-asa na pinangunahan ni Bishop Alminaza, na nilahukan din ng iba pang ecumenical at multisectoral groups bilang pag-alala sa kasaysayan ng bansa at panawagan para sa pagkakaisa, pag-asa at katarungan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 20,220 total reads

 20,220 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 34,323 total reads

 34,323 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 150,102 total reads

 150,102 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 270,681 total reads

 270,681 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 319,079 total reads

 319,079 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 20,221 total reads

 20,221 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 43,009 total reads

 43,009 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top