Pope Leo XIV, makikiisa sa mga kabataan sa pagdadasal ng Santo Rosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,512 total reads

Makikiisa si Pope Leo XIV sa daan-daang batang mananalangin ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan sa mundo sa Vatican sa Oktubre 1.

Tinatayang 700 hanggang 1,000 bata mula sa mga paaralan at parokya sa Rome ang magtitipon sa Vatican Gardens para simulan ang taunang “One Million Children Praying the Rosary” na isinusulong ng Aid to the Church in Need o ACN.

Sa alas-5 ng hapon, sabay-sabay na mananalangin ang mga bata at ang Santo Papa sa Lourdes Grotto sa Vatican, kasama ang mga bata, pamilya at komunidad ng mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa unang pagkakataon, tatagal nang isang buong linggo ang pandaigdigang pananalangin simula October 1 hanggang 7. Hinihikayat ang mga paaralan, pamilya at parokya na pumili ng araw para makiisa sa pagdarasan.

Kabilang sa mga makikibahaging mga komunidad sa Sudan, Zimbabwe, Mozambique, Sierra Leone at Bolivia, gayundin ang mga lugar na nakararanas ng digmaan, kahirapan at kaguluhan.

Magtatapos ang kampanya sa Kapistahan ng Our Lady of the Rosary sa Oktubre 7.

Sinimulan ang pandaigdigang inisyatiba ng pananalangin sa Venezuela noong 2005 at mula noon ay naging malawak na panalangin ng mga bata, pamilya, paaralan at parokya sa iba’t ibang bansa.

Layunin nitong pag-isahin ang mga mananampalataya sa panalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa at pag-asa sa gitna ng karahasan, pag-uusig at iba pang krisis sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,496 total reads

 38,496 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,237 total reads

 74,237 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,507 total reads

 300,507 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,975 total reads

 193,975 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,935 total reads

 285,935 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,488 total reads

 6,488 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top