Epekto ng Martial law, patuloy na umiiral sa bansa-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,454 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng patuloy na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ito ang mensahe ni Bishop Alminaza sa isinagawang Mass of Hope and Prayer for the Philippines sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila, kung saan binigyang-diin niya na bagama’t natapos na ang Martial Law, nananatili ang ilan sa mga epekto nito, kabilang ang takot at kultura ng impunity, habang patuloy ding hinaharap ng bansa ang katiwalian.

Ayon kay Bishop Alminaza, mahalagang panghawakan ang pag-asa sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng bansa at huwag sumuko sa kawalang-pag-asa.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na maging “liwanag ng pag-asa” at makilahok sa pagsusulong ng pagbabago, kabilang ang panawagan para sa pagpasa ng batas laban sa political dynasties at pananagutan ng mga sangkot sa mga paglabag.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na may magagawa ang mamamayan upang tugunan ang mga problema ng bansa, lalo na ang konsentrasyon ng kapangyarihang pampolitika sa iilan.

“Kaya kailangan tayo sama-sama na magtugon doon sa panawagan. Kailangan kasi ang hope na itaguyod kasi madali mag-succumb to hopelessness kasi ang dami na ngang suliranin. Pero kahit na hindi pa lubos na natugunan yung problema, kailangan pa rin tayong magpatuloy, hindi huminto. Dapat maging liwanag tayo ng pag-asa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Nanindigan naman si United Church of Christ in the Philippines Bishop Victor Paller sa pakikiisa ng kanilang simbahan sa paggunita sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Martial Law, kabilang ang pag-alala sa mga buhay na nawala, mga dinakip, dinukot at pinaslang, gayundin ang mga paglabag sa karapatang pantao noong panahong iyon.

Hinimok ni Bishop Paller ang mga mamamayan na magkaisa upang matiyak na hindi na mauulit ang karahasang iniuugnay sa Martial Law, habang binanggit din ang usapin ng korapsyon at pangangailangang papanagutin ang mga sangkot.

Ayon kay Bishop Paller, ipinakikita ng pagkakaisa ng iba’t ibang denominasyon at simbahan na sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, nagkakaisa ang mga mamamayan sa pagtutol sa karahasan, kahirapan at kawalang-katarungan.

“Nais kong ipahatid sa pamamagitan din ng aming simbahan ang pakikipagkaisa sa pag-alala sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan napakaraming buhay ang nawala, dinakip, dinukot, pinaslang, at mula doon ay naranasan ang napakalaganap na paglabag sa karapatang pantao. Hindi na ito dapat magpatuloy, hindi dapat maulit. Kaya kami sa taong simbahan ay kasama ng mga mamamayan at hinihikayat ang bawat isa na atin ipakita na kailanman ay hindi natin papayagang maulit ang karahasang dulot ng Martial Law. Patuloy din ang aming panawagan: lahat ng sangkot, dapat managot,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Paller sa kaniyang panayam sa radyo Veritas.

Kasama ang United Church of Christ in the Philippines sa isinagawang Misa para sa Pag-asa na pinangunahan ni Bishop Alminaza, na nilahukan din ng iba pang ecumenical at multisectoral groups bilang pag-alala sa kasaysayan ng bansa at panawagan para sa pagkakaisa, pag-asa at katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,610 total reads

 50,610 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 137,110 total reads

 137,110 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,147 total reads

 180,147 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,906 total reads

 229,906 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,803 total reads

 388,803 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top