Cardinal David, nababahala sa lumalawak na digmaan sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,058 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa patuloy na paglawak ng digmaan sa Middle East, lalo na sa panganib na kinakaharap ng mga sibilyan at milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho sa mga bansang apektado ng labanan.

Sa isang mensaheng inilathala ng Obispo sa kanyang personal na Facebook account na may titulong “WHEN WAR SPREADS, WHO IS SAFE?”, sinabi ni Cardinal David na ang lumalawak na tensiyon sa pagitan ng Iran, United States at Israel ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa mga bansang direktang sangkot kundi maging sa kanilang mga karatig-bansa.

Kabilang sa kanyang pangamba ang kaligtasan ng tinatayang 2.35 milyong Pilipino sa anim na Gulf states na kinabibilangan ng United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Kuwait, Bahrain at Oman na ayon sa datos ay patuloy na nagtatrabaho roon upang suportahan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

“These are our fellow Filipinos who have left their families behind to earn a living abroad. Their safety and welfare must remain a priority for our government.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ipinahayag din ng kardinal ang kanyang pagkabahala sa patuloy na pagdurusa ng mga sibilyan sa Gaza at Lebanon.

Ayon sa kanya, hindi sapat ang mga tigil-putukan kung patuloy pa ring nalalagay sa panganib ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan.

“How much more suffering must ordinary people endure before the parties involved seriously commit themselves to peace?” Dagdag pa ni Cardinal David.

Personal ding binanggit ni Cardinal David ang kanyang nakatakdang paglalakbay patungong Rome sa Oktubre na dadaan sa United Arab Emirates, dahilan upang higit niyang maramdaman ang panganib na kinakaharap ng mga biyahero at mamamayan sa rehiyon.

Samantala, nanawagan din si Cardinal David sa mga lider ng mga bansang sangkot sa tunggalian na itigil ang mapanganib na labanan at bumalik sa diplomasya at negosasyon.

“Peace cannot be achieved simply by developing more sophisticated weapons or by threatening one another with greater destruction.” Ayon pa kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng Cardinal na nakataya sa digmaan ang buhay ng milyun-milyong inosenteng tao, kabilang ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

“We cannot afford to leave their future to the logic of war, much less to machines that may one day operate beyond our capacity to understand and control them.” Ani Cardinal David.

Sa gitna ng lumalawak na tunggalian, muling ipinapaalala ng Kardinal na ang pagtataguyod ng kapayapaan ay nangangailangan hindi lamang ng paghinto ng karahasan kundi ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga sibilyang unang naaapektuhan ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 16,976 total reads

 16,976 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 50,310 total reads

 50,310 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 82,456 total reads

 82,456 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 148,512 total reads

 148,512 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 166,751 total reads

 166,751 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top