GT Foundation, nagkaloob ng grant sa ACN Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,449 total reads

Nagkaloob ang GT Foundation, Inc. ng ₱2-milyong grant sa Aid to the Church in Need (ACN) Philippines para sa pagpipintura at pagpapahusay ng Sto. Tomas de Villanueva Parish Church sa Lanao del Norte, na nagsisilbing Pro-Cathedral at magsisilbing luklukan ng Prelatura ng Marawi.

Pormal na isinagawa ang turnover ng grant sa 2026 George S.K. Ty Grants Turnover Ceremony na ginanap sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City noong September 4, 2026.

Inaasahang makatutulong ang pondo sa pagpapaayos ng Simbahan na nagsisilbing mahalagang lugar ng pananalangin, pagsamba at pagtitipon ng mga mananampalataya ng Prelatura ng Marawi.

“The GT Foundation, Inc. awarded a ₱2-million grant to Aid to the Church in Need (ACN) to support the painting works of the Sto. Tomas de Villanueva Parish Church in Lanao del Norte, which currently serves as the Pro-Cathedral and seat of the Prelature of St. Mary in Marawi.” Bahagi ng pahayag ng ACN-Philippines.

Mahalaga rin ang proyekto sa patuloy na presensya at misyon ng Simbahan sa isang komunidad na naapektuhan ng kaguluhan at karahasan.

Sa pamamagitan ng suporta sa mga lugar sambahan, nabibigyan ang mga komunidad ng pagkakataon para sa pananampalataya, pagkakaisa at muling pagbangon.

“The assistance will contribute to the improvement of the church, an important place of worship and gathering for the faithful of the Prelature of Marawi. It reflects a shared commitment to supporting communities and strengthening the presence of the Church in areas affected by conflict. The grant turnover brought together leaders of GT Foundation, Metrobank Foundation, and Aid to the Church in Need.” Dagdag pa ng ACN-Philippines.

Ayon sa GT Foundation at ACN Philippines, ang grant ay bahagi ng kanilang pagkakaisa sa pagtulong sa Simbahan sa Marawi na ipagpatuloy ang misyon ng pananampalataya, paglilingkod at pakikipagkapwa.

Layunin din nitong mapanatili ang mga lugar sambahan bilang mga espasyong maaaring pagtipunan ng komunidad, maghilom mula sa mga sugat ng nakaraan, at makatagpo ng pag-asa sa kabila ng mga naganap sa lugar.

“The grant represents a shared commitment to helping the Church in Marawi continue its mission of faith, service, and solidarity, and to ensuring that places of worship remain spaces where communities can gather, heal, and find hope.” Ayon pa sa ACN-Philippines.

Dinaluhan ng mga kinatawan ng GT Foundation, Metrobank Foundation at ACN Philippines ang turnover ceremony.

Kabilang dito sina GT Foundation President Alfred V. Ty; GT Foundation and Metrobank Foundation Senior Vice President Anjanette T. Dy Buncio; Metrobank at Metrobank Foundation Chairman Arthur V. Ty; Metrobank Foundation President at GT Foundation Executive Director Philip Francisco U. Dy; at ACN Philippines President Don Timothy Buhain at Treasurer Corazon Nepomuceno.

Sa kasalukuyan patuloy rin ang isinasagawang “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” ng Aid to the Church in Need – Philippines upang makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng Pro-cathedral ng Prelatura ng Marawi kasabay ng pagpapalakas sa diwa ng kapayapaan at pakikiisa para sa mga komunidad sa Marawi, sa pamamagitan ng konkretong suporta sa Prelatura ng Marawi na nakatakdang magdiwang ng ika-50 anibersaryo sa darating na Nobyembre, 2026.

Sa bahagi ng Simbahan, ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng mga lugar sambahan ay hindi lamang usapin ng pisikal na imprastraktura, sa halip ay isang sama-samang pagsasabuhay ng mga mananampalataya ang pananampalataya ng pakikiisa ng Simbahan sa mga komunidad na patuloy na bumabangon at naghahanap ng kapayapaan at pag-asa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,634 total reads

 2,634 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,388 total reads

 54,388 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,754 total reads

 139,754 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,490 total reads

 186,490 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,362 total reads

 234,362 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,728 total reads

 335,728 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top