Deboto ng Saint Padre Pio, hinimok ni Cardinal David na maging daluyan ng awa sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,188 total reads

Hinimok ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga deboto at peregrino ng bagong idineklarang International Shrine of Saint Padre Pio na huwag lamang manatili sa pagtanggap ng awa ng Diyos, kundi maging mga instrumento rin ng awa para sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa maringal na deklarasyon ng dambana bilang international shrine sa Santo Tomas, Batangas nitong September 23, sinabi ni Cardinal David na ang bagong pagkilala ng Vatican ay dapat magbukas ng mas malawak na misyon ng panalangin, pakikipagkasundo at malasakit sa mga nagdurusa.

“May every pilgrim who comes here seeking God’s mercy return home ready to become an instrument of that same mercy for others,” ayon kay Cardinal David.

Sinabi ng kardinal, na siya ring vice president ng Federation of Asian Bishops’ Conferences, na hindi sapat na kilalanin ang dambana bilang pandaigdigang sentro ng debosyon kay San Padre Pio, kundi bilang lugar kung saan ang mga deboto ay hinuhubog upang ipagpatuloy sa kanilang sariling mga komunidad ang misyon ng awa.

Iginiit ng kardinal na ang pagtaas ng antas ng dambana bilang international shrine ay nangangahulugang higit pa sa pagdami ng mga peregrino mula sa iba’t ibang bansa.

“It means that those who come here as pilgrims are invited to embrace the spirituality of Padre Pio: a spirituality of prayer, intercession, reconciliation, and compassion for the suffering,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na makikita sa buhay ni Padre Pio ang konkretong pagsasabuhay ng awa, mula sa kanyang matagal na paglilingkod sa kumpisalan hanggang sa pagtatatag ng Casa Sollievo della Sofferenza o Home for the Relief of Suffering sa San Giovanni Rotondo.

“Prayer and compassion must go together. Our love for God must become concrete in our love for suffering human beings,” aniya.

Sinabi ng kardinal na hindi sapat ang pananalangin lamang kung nangangailangan din ang tao ng konkretong tulong.

“We cannot simply tell a sick person to pray when that person also needs a doctor. We cannot simply tell a hungry person to have faith when that person also needs food,” ayon pa kay Cardinal David.

Iminungkahi rin ni Cardinal David na maaaring palawakin pa ng international shrine ang mga serbisyong pastoral nito, kabilang ang mga programa para sa mga dumaranas ng suliranin sa mental health, katuwang ang mga trained counselors at professionals.

Aniya, maaari ring pag-aralan sa hinaharap ang pagtatatag ng ospital o medical center na inspirasyon ang Casa Sollievo della Sofferenza ni Padre Pio, partikular para sa mahihirap na walang kakayahang makakuha ng sapat na serbisyong pangkalusugan.

Hiniling ni Cardinal David na makilala ang International Shrine of Saint Padre Pio hindi lamang dahil sa mga natatanging biyayang natatanggap ng mga deboto sa pamamagitan ng santo, kundi dahil sa mga “ordinaryong himala ng awa” na nagaganap dito araw-araw tulad ng mga makasalanang nakikipagkasundo sa Diyos, mga maysakit na inaalagaan, mga nag-iisa na sinasamahan, mga dukhang pinahahalagahan at pagbibigay pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,792 total reads

 37,792 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,567 total reads

 73,567 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,837 total reads

 299,837 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,305 total reads

 193,305 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,306 total reads

 285,306 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top