Natatanging personalidad, programa at organisasyon, kinilala sa USTV Media excellence award.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,490 total reads

Binigyan-diin ng University of Santo Tomas (UST) Office for Student Affairs ang kahalagahan ng pagtataguyod ng katotohanan at responsableng pamamahayag sa gitna ng patuloy na paglawak ng mga plataporma ng media.

Ayon kay Asst. Prof. Jaezamie Ong, Director ng UST Office for Student Affairs, muling ibinalik ngayong 2026 ang USTV+ Media Excellence Awards upang kilalanin hindi lamang ang mga television network kundi pati mga media organization, content creator, at digital platforms.

Binigyang-diin ni Ong na sa panahon ng mas mabilis na pagkalat ng impormasyon at fake news, malaking hamon sa media ang pagsasabi ng katotohanan, habang ang “Veritas,” na nangangahulugang katotohanan, ay hindi lamang motto ng UST kundi bahagi ng misyon nito.

Iginiit naman ng veteran GMA Network news anchor at i-Juander host na si Susan Enriquez ang kahalagahan ng patuloy na paglalahad ng mga kuwento tungkol sa kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Pilipinas sa gitna ng pag-usbong ng digital age.

Ito ang mensahe ni Enriquez matapos tanggapin ng i-Juander ang USTV+ Media Excellence Award in Education – Program, na siyang magsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang paghahatid ng mga kuwentong nagpapahalaga sa pagkakakilanlan at pamana ng mga Pilipino.

Pinarangalan sa USTV+ Media Excellence Awards ang veteran comedienne na si Eugene Domingo bilang recipient ng Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Comedy – Individual Category.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Domingo sa USTV+ at sa media industry sa pagkilalang kanyang natanggap, at nangakong lalo pang pagbubutihan ang trabaho.

Ginawaran naman ng USTV+ Special Citation for Excellence in Media and Television Storytelling ang veteran actor at action star na si Coco Martin kung saan ibinahagi ng aktor ang kagalakan at pagkagulat matapos igawad ang parangal.
Binigyang-diin ni Martin ang pagsisikap ng buong production team sa pagbuo ng kanilang programa, habang pinasalamatan din niya ang Institusyon at mga namumuno rito sa patuloy na suporta sa kanilang mga proyekto.

Ang USTV Awards ay ang pagkilala ng UST na nakatuon sa mga natatanging personalidad, programa, at organisasyon sa larangan ng telebisyon na bagamat may isang dekadang nahinto ay muling ibinalik ngayong 2026 bilang USTV+ Media Excellence Awards, na pinalawak ang pagkilala sa iba’t ibang anyo ng media kabilang ang digital, streaming, at multimedia platforms.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,224 total reads

 51,224 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,931 total reads

 147,931 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,200 total reads

 192,200 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,309 total reads

 215,309 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,173 total reads

 288,173 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,511 total reads

 28,511 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top