Archdiocese of Lipa, palalawakin ang misyon ng International Shrine and Parish of St. Padre Pio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,522 total reads

Tiniyak ng Archdiocese of Lipa na paiigtingin at palalawakin ang misyon ng National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, kasunod ng opisyal na deklarasyon bilang isang international shrine.

Ayon kay Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, patatatagin pa nito ang misyong pastoral, lalo na para sa mga may karamdaman, hindi lamang sa bansa kundi maging sa Asya at sa buong daigdig sapagkat batid nito ang malaking responsibilidad na kaakibat ng pagiging international shrine.

“This recognition of the Holy See is both a profound blessing and a solemn responsibility… The devotion will not just be exclusively for us Batangueño, but for the whole Philippines and for Asia,” ayon kay Archbishop Garcera.

Ginanap ang maringal na deklarasyon ng dambana bilang international shrine nitong September 23, kasabay ng kapistahan ni Padre Pio.

Binigyang-diin ni Archbishop Garcera na ang pagkilala ng Vatican ay nagpapatibay sa papel ng dambana bilang sentro ng pananalangin, misyon, ebanghelisasyon, at pilgrimage ng mga peregrino, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mga dayuhang dumadalaw sa lugar.

Sinabi pa ng pinuno ng CBCP na ito rin ay patuloy na maging dambana para sa mga nangangailangan ng paghilom sa iba’t ibang nakararanas ng kawalan ng pag-asa bunsod ng mga hamong kinakaharap.

“At the core of this milestone is the shrine’s enduring commitment to the poor, to the sick, the marginalized… This sanctuary serves as a living haven of medical, physical, and spiritual healing,” giit ni Archbishop Garcera.

Ibinahagi ng arsobispo na bukod sa healing masses tuwing ika-23 ng buwan ay nagsasagawa rin ang dambana ng iba pang kawanggawa tulad ng medical, psychological, at legal assistance bilang bahagi ng holistic pastoral care.

Inihayag ng arsobispo na nakahanda na ang dambana na tanggapin ang malaking bilang ng mga deboto at peregrino na dadalaw sa international shrine kung saan noong 2023 kasabay ng paghahanda sa aplikasyon nito sa Vatican, ay pinalawak ang dambana hanggang sa 17 ektarya, at pinaigting ang kahusayan ng mga kawani at ministries upang tugunan ang mas malawak nitong pastoral na responsibilidad.

Samantala, sinabi naman ni Fr. Oscar Andal, rector at parish priest ng dambana, na hindi lamang mga imprastraktura ang inihahanda ng international shrine kundi higit sa lahat ang pagdiriwang ng mga Banal na Misa sa iba’t ibang wika, pagpapalawig ng oras ng Sakramento ng Kumpisal, at pagsasanay sa mga tauhan upang higit na mapabuti ang karanasan ng mga deboto at peregrino.

May 25, 2026 nang inilabas ng Dicastery for Evangelization ang decree na nag-apruba sa kahilingan ng arkidiyosesis na itaas sa international shrine ang dambana.

Kasabay ng deklarasyon bilang international shrine ay pinagtibay din nito ang ugnayan ng dambana sa Sanctuary of Saint Pio of Pietrelcina sa San Giovanni Rotondo, Italy, kung saan nakahimlay ang santo.

Ang Shrine of Saint Padre Pio sa Batangas ang ikalawang international shrine sa Pilipinas kasunod ng Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral na unang nadeklara noong 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,996 total reads

 36,996 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,799 total reads

 72,799 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,069 total reads

 299,069 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,537 total reads

 192,537 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,587 total reads

 284,587 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top