D-O-L-E, kumikilos na upang wakasan ang forced at child labor sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,735 total reads

Pinaigting ng Department of Labor and Employment ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang sektor upang tuluyang wakasan ang forced labor at child labor sa bansa.

Pinangunahan ng D-O-L-E ang National Strategic Planning Workshop para sa roadmap ng Pilipinas bilang ‘Alliance 8.7 Pathfinder Country’.

Isinagawa ang workshop na nilahukan ng mga ahensya ng pamahalaan, workers, employers, survivors, civil society organizations at development partners upang bumuo ng mga hakbang laban sa forced at child labor.

Iginiit ni DOLE Assistant Secretary Loreto Acharon na mahalaga ang whole-of-government society approach upang maisulong ang quality, decent work at pagtataguyod ng social justice at labor rights.

““This roadmap is far more than a planning document. It reflects our shared responsibility and collective commitment to actions, bringing together government agencies, civil society, and key stakeholders. This exemplifies the very convergence and collaboration that the administration of President Ferdinand Marcos Jr. envisions, anchored on the whole-of-government and whole-of-society approach,”pahayag ni Acharon sa Radyo Veritas.

Naniniwala ang D-O-L-E na makatutulong ang pagiging Alliance 8.7 Pathfinder Country upang matuto ang Pilipinas mula sa best practices ng ibang bansa at maibahagi ang mga hakbang na isinagawa nito upang mapababa ang bilang ng mga batang nasasangkot sa child labor.

Itinuturo ni Pope Leo XIII sa kaniyang encyclical na Rerum Novarum na pangalagaan ang mga bata laban sa paggawa na hindi angkop sa kanilang edad at pisikal na kalagayan.
Itinuturing naman ni Pope Francis na ang child labor ay paglabag sa dignidad ng tao at nangangailangan ng pagtutulungan ng pamahalaan, negosyo, civil society at iba pang sektor upang tuluyang wakasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 93,074 total reads

 93,074 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 126,407 total reads

 126,407 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 158,551 total reads

 158,551 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 224,610 total reads

 224,610 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 237,929 total reads

 237,929 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top