Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,034 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 24 Setyembre 2026, Qohelet 1:2–11; Lucas 9:7–9

Lahat ng bagay dito sa mundo ay lumilipas. Lahat ng meron ngayon ay mawawala pagdating ng panahon. Lahat ng bago ay naluluma. Lahat ng masasabi ngayon ay nasabi na rin noon pa. Parang ganito ang mensahe ng aklat ni Qohelet sa ating unang pagbasa.

At ito rin ang mensahe ng Salmo 90, ang ating salmo tugunan. Ang sanlibong taon daw sa mata ng Diyos ay mistulang isang iglap lamang. Ang tao ay parang damong tumubo ngayon at malalanta bukas.
May isang kantang nauso noon na mukhang humugot ng inspirasyon sa ating unang pagbasa. Ang pamagat ay “Dust in the Wind”, o sa Tagalog, Alikabok sa Hangin. Ganyan daw ang buhay natin sa mundo. Parang alikabok na tinatangay lamang ng hangin.

Ganoon din ang kapangyarihan ng mga Herodes. At ito naman ang tema ng ating Ebanghelyo. Akala ni Herodes, napatahimik na niya ang propetang maanghang magsalita at bumabatikos sa kanyang pamamahala, si Juan Bautista. Ipinapugutan na niya ito ng ulo. Pero ngayon, nakakarinig na naman siya ng tungkol sa isang bagong propeta na ang pangalan ay Hesus na taga-Nasaret na pareho ang laman at tono ng pananalita.

At sa tingin daw ng ilan sa mga taong nakikinig kay Hesus, parang bumalik mula sa kabilang buhay si Juan Bautista sa katauhan niya. Kaya si Herodes, sa kabila ng pagkaligalig niya sa mga naririnig tungkol kay Hesus, ay parang sabik daw na makita kung sino ba itong Hesus na ito.

Ang ganda naman ng timing ng mga pagbasang ito. Kasi kahapon, pinanood ko ang speech ni President Trump sa UN General Assembly. Pinagtiyagaan kong pakinggan hanggang sa dulo, kahit mahaba. At habang nakikinig ako, ang tanong ko sa isip ko: Ano kaya ang nararamdaman ng mga kinatawan ng mga bansa sa buong mundo na nakikinig sa kanya?

Simple lang naman ang punto niya: “Bida ako dahil naibalik ko ang Amerika sa katayuan nito bilang pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig.”

Naisip ko tuloy, gaano pa kaya ang itatagal ng buhay ng taong ito sa mundo? Bakit ba parang kung magsalita siya ay hindi siya mamamatay? Gagawin daw niyang mas ligtas ang mundo. Eh bakit parang bumabaliktad ang sikmura ko habang pinapakinggan ko siya?

Parang naririnig ko si Herodes sa mga salita niya. Ang lakas ng loob, ang taas ng tingin sa sarili, at ang laki ng tiwala sa kapangyarihang hawak niya.

At heto na naman, inuulit na naman ang usapang wala raw batayan ang usap tungkol global warming at climate change, pati ang mga agam-agam tungkol pagkawala ng human control sa AI—para sa kanya ay gawa-gawa lamang.

Tama ang manunulat sa ating unang pagbasa. Ang nasasabi ngayon ay nasabi na rin noon pa. Hindi na ito bago. Marami nang Herodes ang dumaan sa kasaysayan. Marami nang pinunong nag-akalang ang kanilang kapangyarihan ay walang hanggan. Marami nang nagbantang lilipulin ang kanilang mga kaaway. Pero nasaan na sila ngayon?

Samantalang si Juan Bautista, na akala ni Herodes ay napatahimik na niya, ay patuloy pa ring nagsasalita sa atin hanggang ngayon. At si Hesus, na sabik niyang makita, ay patuloy pa ring nagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.

Ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa ngayon: Ang kapangyarihan ng tao ay lumilipas. Ang mga kaharian at imperyo ay bumabangon at bumabagsak. Ang mga makapangyarihan ngayon ay mawawala rin pagdating ng panahon.

Pero ang katotohanan at ang Salita ng Diyos ay hindi kayang patahimikin ng sinumang Herodes. Ang Diyos lamang ang nananatili magpakailanman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 30,362 total reads

 30,362 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 52,453 total reads

 52,453 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 152,270 total reads

 152,270 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 185,597 total reads

 185,597 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 217,447 total reads

 217,447 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 802 total reads

 802 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 4,580 total reads

 4,580 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »

WHEN POLITICS BECOMES A FAMILY BUSINESS

 5,782 total reads

 5,782 total reads It has practically become a phenomenon all over the country. In many places, politics has become one of the most lucrative family businesses.

Read More »

WHEN POWER REJECTS ACCOUNTABILITY

 12,624 total reads

 12,624 total reads I listened patiently to President Donald Trump’s speech before the UN General Assembly yesterday. One part that particularly disturbed me was his attack

Read More »
Scroll to Top