Kultura at pang-unawa sa pagiging tao, sisirain ng AI- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,672 total reads

Nagbabala si Pope Leo XIV na maaaring magdulot ang Artificial Intelligence o AI ng pagkasira ng kultura at makaapekto sa pag-unawa ng tao sa tunay na kahulugan ng pagiging tao.

Ito ang binigyang-diin ng Santo Papa sa kanyang talumpati sa UNESCO headquarters sa Paris, France nitong Biyernes.

“A fundamental question deserves to be explored, one that urgently calls for a response: What does it mean to be human?,” ayon sa mensahe ni Pope Leo IV.

Ayon kay Pope Leo XIV, maaaring palalain ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence o AI ang pagkalat ng maling impormasyon at paggamit ng mga salitang nawawalan ng tunay na kahulugan.

Dagdag pa ng Santo Papa, “Every culture is challenged by this question, which lies at the heart of every form of knowledge, every art and every religion. Even in the twenty-first century, after all, we cannot take for granted that we know who the human person is or what it means to live as a human being.”

Sa halip na makatulong sa malinaw na pag-uusap, maaari aniyang maging hadlang ang mga ito sa tunay na pagkakaunawaan ng mga tao.

Binigyang-diin ng pinunong pastol na bagama’t kayang magproseso at mag-ugnay ng napakaraming datos ng AI, hindi nito kayang sagutin ang mahahalagang tanong tungkol sa kahulugan ng buhay ng tao, na nakaugat sa tunay na karanasan.

“The corruption of culture which we are considering finds its redemption in the public square of Pentecost,” he said. “There, a message of peace is received as good news by people of every nation. This message proclaims the resurrection of Jesus, that is, the victory of life over death and the salvation that gives hope to the world,” ayon kay Pope Leo.

Nagbabala rin ang Santo Papa laban sa paggamit ng siyensya at teknolohiya bilang paraan ng pagkontrol sa iba, dahil maaari nitong malagay sa panganib ang dignidad ng tao.

Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat higit na pangalagaan ang mga pinaka-mahina sa lipunan, kabilang ang mga bata, matatanda, persons with disabilities, migrante, refugee at iba pang itinuturing na hindi na produktibo.

Para sa Santo Papa, ang paraan ng pagtrato sa mga mahihina at naaapi ang isa sa pinakamahalagang sukatan kung tunay na iginagalang ng lipunan ang dignidad ng bawat tao.

Sa kanyang pagbisita sa UNESCO, binigyang-diin din ni Pope Leo ang kahalagahan ng katotohanan at pagkakaisa, at ang pangangailangang gamitin ang kaalaman at teknolohiya para sa kapayapaan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,695 total reads

 38,695 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,430 total reads

 74,430 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,700 total reads

 300,700 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,168 total reads

 194,168 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,117 total reads

 286,117 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,514 total reads

 6,514 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top