Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,897 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 24 Setyembre 2026, Qohelet 1:2–11; Lucas 9:7–9

Lahat ng bagay dito sa mundo ay lumilipas. Lahat ng meron ngayon ay mawawala pagdating ng panahon. Lahat ng bago ay naluluma. Lahat ng masasabi ngayon ay nasabi na rin noon pa. Parang ganito ang mensahe ng aklat ni Qohelet sa ating unang pagbasa.

At ito rin ang mensahe ng Salmo 90, ang ating salmo tugunan. Ang sanlibong taon daw sa mata ng Diyos ay mistulang isang iglap lamang. Ang tao ay parang damong tumubo ngayon at malalanta bukas.
May isang kantang nauso noon na mukhang humugot ng inspirasyon sa ating unang pagbasa. Ang pamagat ay “Dust in the Wind”, o sa Tagalog, Alikabok sa Hangin. Ganyan daw ang buhay natin sa mundo. Parang alikabok na tinatangay lamang ng hangin.

Ganoon din ang kapangyarihan ng mga Herodes. At ito naman ang tema ng ating Ebanghelyo. Akala ni Herodes, napatahimik na niya ang propetang maanghang magsalita at bumabatikos sa kanyang pamamahala, si Juan Bautista. Ipinapugutan na niya ito ng ulo. Pero ngayon, nakakarinig na naman siya ng tungkol sa isang bagong propeta na ang pangalan ay Hesus na taga-Nasaret na pareho ang laman at tono ng pananalita.

At sa tingin daw ng ilan sa mga taong nakikinig kay Hesus, parang bumalik mula sa kabilang buhay si Juan Bautista sa katauhan niya. Kaya si Herodes, sa kabila ng pagkaligalig niya sa mga naririnig tungkol kay Hesus, ay parang sabik daw na makita kung sino ba itong Hesus na ito.

Ang ganda naman ng timing ng mga pagbasang ito. Kasi kahapon, pinanood ko ang speech ni President Trump sa UN General Assembly. Pinagtiyagaan kong pakinggan hanggang sa dulo, kahit mahaba. At habang nakikinig ako, ang tanong ko sa isip ko: Ano kaya ang nararamdaman ng mga kinatawan ng mga bansa sa buong mundo na nakikinig sa kanya?

Simple lang naman ang punto niya: “Bida ako dahil naibalik ko ang Amerika sa katayuan nito bilang pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig.”

Naisip ko tuloy, gaano pa kaya ang itatagal ng buhay ng taong ito sa mundo? Bakit ba parang kung magsalita siya ay hindi siya mamamatay? Gagawin daw niyang mas ligtas ang mundo. Eh bakit parang bumabaliktad ang sikmura ko habang pinapakinggan ko siya?

Parang naririnig ko si Herodes sa mga salita niya. Ang lakas ng loob, ang taas ng tingin sa sarili, at ang laki ng tiwala sa kapangyarihang hawak niya.

At heto na naman, inuulit na naman ang usapang wala raw batayan ang usap tungkol global warming at climate change, pati ang mga agam-agam tungkol pagkawala ng human control sa AI—para sa kanya ay gawa-gawa lamang.

Tama ang manunulat sa ating unang pagbasa. Ang nasasabi ngayon ay nasabi na rin noon pa. Hindi na ito bago. Marami nang Herodes ang dumaan sa kasaysayan. Marami nang pinunong nag-akalang ang kanilang kapangyarihan ay walang hanggan. Marami nang nagbantang lilipulin ang kanilang mga kaaway. Pero nasaan na sila ngayon?

Samantalang si Juan Bautista, na akala ni Herodes ay napatahimik na niya, ay patuloy pa ring nagsasalita sa atin hanggang ngayon. At si Hesus, na sabik niyang makita, ay patuloy pa ring nagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.

Ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa ngayon: Ang kapangyarihan ng tao ay lumilipas. Ang mga kaharian at imperyo ay bumabangon at bumabagsak. Ang mga makapangyarihan ngayon ay mawawala rin pagdating ng panahon.

Pero ang katotohanan at ang Salita ng Diyos ay hindi kayang patahimikin ng sinumang Herodes. Ang Diyos lamang ang nananatili magpakailanman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,096 total reads

 38,096 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,861 total reads

 73,861 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,131 total reads

 300,131 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,599 total reads

 193,599 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,580 total reads

 285,580 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 12,927 total reads

 12,927 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 18,572 total reads

 18,572 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 17,838 total reads

 17,838 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top