Power interruptions sa Negros at Panay island, binatikos ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,180 total reads

Nanawagan ang Diocese of San Carlos ng kagyat na pagbabago sa sistema ng enerhiya sa Negros at Visayas, kasunod ng paulit-ulit na power interruptions o kawalan ng linya at suplay ng kuryente na patuloy na nagpapabigat sa mga pamilya, manggagawa, negosyo, paaralan, ospital sa mga komunidad.

Sa pastoral statement na nilagdaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit na kailangan ang energy system na maasahan, abot-kaya, resilient, sustainable at accessible, lalo na para sa mga pinakaapektado ng mataas na singil at pagkawala ng kuryente.

Binigyang-diin ng diyosesis ang pangangailangang bawasan ang pag-depende sa malalaking centralized power plants at imported fossil fuels, at palakasin ang renewable energy, energy storage, microgrids at mas matatag na transmission at distribution system.

“The choice should not be between coal and brownouts. Our leaders have a responsibility to secure reliable power while reducing the vulnerabilities and harms built into the present system. We can build an energy future that serves our people without sacrificing the poor, our workers, or our common home. For Negros, pursuing that future is an environmental duty and a moral responsibility,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Para sa Negros, iminungkahi ni Bishop Alminaza ang mas malawak na paggamit ng geothermal, solar, wind, hydro at responsibly sourced biomass, kasama ang community-based renewable energy facilities na maaaring direktang magsilbi sa mga barangay at malalayong komunidad.

Nanawagan din ang Diocese of San Carlos sa pamahalaan at energy sector na maging malinaw sa forced outages, maintenance, repair timelines at transmission constraints, habang binibigyan ng makabuluhang boses ang mga lokal na pamahalaan at komunidad sa mga desisyong may epekto sa kanilang enerhiya.

Kaugnay nito, hinimok ng diyosesis ang lahat ng sektor na isulong ang energy transition na hindi lamang nakatuon sa teknolohiya, kundi sa kapakanan ng mga mahihirap, manggagawa, komunidad at pangangalaga sa kalikasan.

“This is integral ecology: care for creation belongs together with care for people. The energy transition must protect workers and poor families, respect the rights and voices of affected communities, and ensure that local people share in the benefits. A just transition is measured by whether it improves people’s lives while safeguarding our common home,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Inilibas ang Pastoral Letter sa gitna ng paulit-ulit na power interruptions sa Negros at iba pang bahagi ng Visayas, habang patuloy na humihina ang power reserves dahil sa hindi magamit na ilang malalaking power plants at limitadong power imports kung saan ilang bahagi ng Visayas ang isinailalim sa red at yellow alerts nitong mga nakaraang linggo dahil sa kakulangan ng ‘Available generation capacity’ ng kuryente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 8,216 total reads

 8,216 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 58,381 total reads

 58,381 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 80,471 total reads

 80,471 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 180,291 total reads

 180,291 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 213,200 total reads

 213,200 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top