Sumuporta sa mga Pilipinong mangingisda at frontliner sa WPS, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,448 total reads

Kinikilala ng Atin Ito Coalition ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na nagpamalas ng suporta sa mga Pilipinong mangingisda at iba pang frontliner sa West Philippine Sea.

Nanawagan din ang grupo sa mas matibay na suporta at proteksiyon sa kanilang kabuhayan, karapatan at kaligtasan.

Isinagawa ito ngayong Lunes sa Quezon City na pinamagatang “West Philippine Sea: Mana Natin: The State and Legacy of Filipino Fishers and Those Who Stand With Them,” bilang bahagi ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo kung saan naging katuwang ang Center for Information Resilience and Integrity Studies o CIRIS.

Sa gawain ay kinilala sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang mga opisyal at kinatawan ng Quezon City, Pasig, Bulacan, San Jose del Monte, Zamboanga City, Navotas at Cebu, kabilang ang mga lokal na pamahalaang nagpasa ng mga resolusyon na nagdedeklara sa July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day kung saan una ng iniulat na kabilang sa mga LGU na nagpatibay ng naturang paggunita ang Quezon City at Cebu City.

Binigyang-diin ni Atin Ito co-convenor at Akbayan President Rafaela David ang kahalagahan ng paninindigan ng mga LGU, dahil aniya, hindi lamang pambansang pamahalaan ang may tungkuling kumilala at magtanggol sa karagatan, kundi maging ang mga komunidad at lokal na pamahalaang direktang nakatindig kasama ng mga mangingisda.

“Mahalaga ang paninindigan ng ating mga LGU dahil ipinapakita nitong hindi lamang national government ang kumikilala at nagtatanggol sa ating karagatan. Kasama rito ang mga komunidad at lokal na pamahalaan na direktang nakatindig kasama ng ating mga mangingisda,” ayon sa mensahe ni David na pinadala ng ATIN ITO! sa Radyo Veritas.

Samantala, itinampok sa forum ang mga totoong hamon ng mga fisherfolk sa West Philippine Sea, kabilang ang nalimitihang access sa tradisyunal na fishing grounds, kawalan ng katiyakan sa kabuhayan, tumataas na gastos sa pangingisda at pangamba sa kanilang kaligtasan.

Ayon pa kay Atin Ito co-convenor Edicio Dela Torre, hindi sapat na kilalanin lamang ang mga mangingisda bilang mga frontliner, kundi kailangan silang suportahan at protektahan mula sa kanilang kabuhayan hanggang sa kanilang kaligtasan sa dagat.

““Hindi sapat ang pagkilala sa mga mangingisda bilang mga frontliner. Kailangan silang suportahan at protektahan, mula sa kanilang kabuhayan hanggang sa kanilang kaligtasan sa dagat. Kung nais nating maging makabuluhan ang pagtatanggol sa West Philippine Sea, dapat ramdam ito ng mga Pilipinong araw-araw na pumapalaot at naghahanapbuhay dito,” ayon naman sa mensahe ni Dela Torre na pinadala sa Radyo Veritas.

Sa forum, ibinahagi rin pa ng mga lider-mangingisda mula Masinloc, Subic, Bataan at iba pang komunidad ang kanilang mga karanasan, habang tinalakay naman ni Fisheries Resources Management Division Chief Roy Ortega, na kumatawan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang panukalang 2027 budget ng ahensiya para tugunan ang mga hamon sa sektor ng pangisdaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,753 total reads

 88,753 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,163 total reads

 174,163 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,004 total reads

 238,004 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,242 total reads

 319,242 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 398,106 total reads

 398,106 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top