Trabaho, serbisyong panlipunan hiling ng KADAMAY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total reads

Trabaho, mataas na sahod at serbisyong panlipunan ang isa sa pangunahing dahilan ng paglahok ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa pagdiriwang ng Labor Day.

Ito ang inihayag ni Gloria Arellano, chairperson ng KADAMAY kaugnay na rin sa paglahok ng kanilang hanay sa kilos protesta ng mga manggagawa.

“Kung nararanasan ng mga manggagawa ang hirap ng trabaho, tapos mababa ang sahod at kontrakwal ganun din ang nangyayari sa mga maralita, at mas mahirap kami dahil walang permenenteng trabaho. At karamihan sa mga miyembro naming ng maralita ay mga manggagawa din na may napakababang sahod, na hindi kasya ang kinikita. Wala silang kakayahan na mag-upa ng bahay kaya nandyan sila sa squatter’s area,” ayon kay Arellano sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Matatandaang ang KADAMAY ay nakilala matapos na okupahin ng mga ito ang mga tiwangwang na socialized housing ng gobyerno sa Pandi Bulacan.

Read:
Katiyakan

SA kabila nito, umaasa din ang grupo na muling makipag-usap sa pamahalaan para na rin maging permanente ang pag-okupa ng ilan sa kanilang miyembro ng bahay sa Pandi na una na ring iginawad ng Pangulo.

Una na ring inihayag ni Arellano, 5,918 units mula sa 10,000 housing units ang naukupahan ng KADAMAY sa Pandi habang 10-libo naman sa kanilang mga miyembro ang wala pang matitirhang bahay.

Tiniyak naman ni Arellano na hangad din ng mga maralita ang magbayad sa mga bahay na inokupa subalit hindi sa paraan ng amortization.

“Sa sinasabi nilang magbabayad kami, amortization. Pero pag sinasabing, negosyong pabahay po iyan, pataas ng pataas po yan. Pwede naman kaming mag-usap na magbabayad ang mga maralita pero makita rin po sana namin ang development sa komunidad. Dahil ang iniwan nilang pabahay na nakatiwangwang ay marami pang dapat ipagawa tulad na rin ng tubig at ilaw,” paliwanag ni Arellano.

Panawagan pa ng KADAMAY ang pagbabago sa pamahalaan ang pagkakaroon ng trabaho at mataas na suweldo ng manggagawa upang hindi na maulit ang pang-aagaw ng bahay ng mga maralita.

“Hindi mangyayari ang pag-okupa kung may regular na trabaho at sahod ang mga manggagawa, para makaya ang pagbabayad ng bahay. Ang pabahay ay serbisyong panlipunan na hindi naipagkakaloob ng gobyerno, kaya sinasabi namin na wala pang pagbabago,” ang pahayag ni Arellano.

Sa pag-aaral noong 2010, may 2 bilyon ang bilang ng informal settlers na may kabuuang higit 500 libong pamilya na base rin sa ulat ay pinondohan ng Aquino administration ng P50 bilyon para mailipat ang 120, 472 na pamilyang naninirahan sa danger zones.

Sa isang mensahe ng Santo Papa noong kuwaresma, sinabi nitong kailangang tulungan ang mga walang matutuluyan at huwag nang gumawa ng dahilan upang hindi magbigay lalu’t ang hangarin ay tungo sa pagbabago.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 17,939 total reads

 17,939 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 98,824 total reads

 98,824 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 193,050 total reads

 193,050 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 253,539 total reads

 253,539 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 266,516 total reads

 266,516 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 204,996 total reads

 204,996 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,756 total reads

 349,756 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top