Palalimin ang paghubog sa mga deboto, hamon ng Obispo sa spiritual directors of Jesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr. ang mga pari na higit pang palalimin ang paghubog sa mga deboto ng Poong Jesus Nazareno upang hindi lamang manatili sa mga prusisyon at panata ang kanilang pananampalataya.

Ito ang pahayag ng obispo na dating rector at parish priest ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila, sa pagbubukas ng kauna-unahang National Conference of Spiritual Directors of Jesus Nazareno Devotees na ginanap sa isang hotel sa Quezon City nitong October 8.

Iginiit ni Bishop Sescon na kailangang maging mga misyonerong disipulo na aktibong nagpapahayag ng Mabuting Balita at naglilingkod sa kapwa ang bawat deboto.

Binigyang-diin ng obispo na kailangang humantong sa mas malalim na pagkilala kay Kristo at pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ang debosyon ng mga mananampalataya.

“Matapos ang pasanan, matapos ang panata, dapat may pahayag,” ani Bishop Sescon sa kanyang homiliya, kung saan ipinaliwanag niyang hindi sapat ang pisikal na sakripisyo at pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon kung hindi ito nagbubunga ng pagpapahayag ng pananampalataya.

Ayon sa obispo, layunin ng tunay na debosyon na makahikayat ng mas marami pang tao na makilala si Hesukristo at maging mga disipulong handang magbahagi ng Mabuting Balita.

Sa kanyang keynote address, hinamon din ni Bishop Sescon ang mga pari at pastoral leaders na pag-isipan kung paano mas maayos na maisasaayos at mahuhubog ang mga deboto upang maging aktibong katuwang ng Simbahan sa ebanghelisasyon.

“How can we harness the devotees to heed that challenge?” tanong ng obispo, na iginiit na kailangang magkaroon ng mga konkretong programa upang mahubog ang mga deboto bilang mga misyonerong disipulo na makatuwang sa pag-akay ng iba tungo kay Kristo.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na hindi dapat limitahan sa mga namamanata, nagpapasan, at nakikilahok sa prusisyon ang pagkilala sa mga deboto.

“Ang talagang deboto, ‘yun ‘yung tahimik na nagsisimba lang sa Quiapo. Nagdarasal, naglalakad nang paluhod, namamanata,” ani Bishop Sescon, habang binibigyang-pansin ang mga mananampalatayang hindi karaniwang nakikita sa malalaking pagtitipon tuwing pista sa January 9.

Iginiit ng obispo na mahalagang palalimin ang pag-unawa sa diwa ng debosyon upang hindi ito mauwi sa mga gawaing nakatuon lamang sa pisikal na paghihirap.

“Hindi ito sinusukat kung ilang sampa, ilang salya, ilang sugat, ilang oras, o ilang pawis. Hindi. Ang sinusukat sa panata ay ang pag-ibig. Ang pagdedebosyon, kapag walang pagsunod at pag-ibig, wala ring laman,” ani Bishop Sescon.

Binigyang-diin din ni Sescon ang pangangailangang pangalagaan ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno laban sa mga gawaing maaaring makasira sa tunay na diwa nito, kabilang ang pagsasamantala sa popularidad ng debosyon.

“Kaya, as shepherds, we are also to safeguard the devotion and the name of the Nazareno dahil, let’s, straight talk, admit it, nagagamit din siya. Pinagkakaperahan din siya,” babala ng obispo.

Sinabi ng pastol na mahalaga ang maayos na organisasyon, sapat na katesismo at tuloy-tuloy na paghubog sa mga deboto upang higit na maunawaan ang pananampalatayang kanilang isinasabuhay at maisalin ito sa konkretong
paglilingkod.

Hinimok niya ang mga pari at pastoral leaders na samantalahin ang malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Poong Hesus Nazareno upang mapalakas ang kanilang pakikilahok sa misyon ng Simbahan.

Binigyang-diin niyang ang hamon ay hindi lamang paramihin ang mga dumadalo sa mga prusisyon, kundi hubugin ang mga mananampalatayang magpapahayag kay Kristo, maglilingkod sa kapwa at mag-aakay ng kapwa upang maging mga disipulo ni Hesus.

Dumalo sa kauna-unahang national conference ang 40 na pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa at mga lay leaders mula sa iba’t ibang sangay ng mga deboto ng Jesus Nazareno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 247,015 total reads

 247,015 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 278,744 total reads

 278,744 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 380,570 total reads

 380,570 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 421,131 total reads

 421,131 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 431,328 total reads

 431,328 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top