Paglikha ng trabaho, gawing mandato ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 885 total views

Hinimok ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga manggagawa at mga opisyal ng pamahalaan na tularan ang kasipagan at dedikasyon ni San Jose sa trabaho.

Ayon sa Obispo, upang maging produktibo ay dapat tularan ng mga manggagawa ang katangiang itinuturo ni San Jose kabilang na ang pagkukusa, pagiging responsable at hindi pagpapabukas pa ng isang gawain.

“Huwag tayong maging tamad, huwag tayong maging tambay kung saan trabaho pa ang maghahanap sa atin. Tayo na ang kumilos, tayo na ang gumalaw,tayo na ang gumawa upang hanapin, damputin at gawin ang trabaho,” pahayag ni Bishop Santos.

Kasabay nito ay umaapela rin ang Obispo na gawing prayoridad ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho na sasagot sa pangangailangan ng isang ordinaryong mamamayan gayundin ang panawagang tapusin na ang ENDO o contractualization system sa Pilipinas.

“Panawagan naman natin sa mga namamahala sa atin, na gayahin si San Jose na gawing mandato ng pamahalaan ay to create jobs para sa ating mga Pilipino upang sa ganoon ay hindi na maforce mangibang bansa, trabaho na hindi lamang pansamantala kundi pangmatagalan, marangal at makabubuhay ng pamilya,” giit pa nito.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong January 2017, umakyat sa 6.6-percent ang unemployment rate sa bansa, mas mataas kumpara sa 5.7-percent noong nakaraang taon.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, matatamo ng tao ang kanyang minimithi sa pamamagitan ng sipag at determinasyon na sasamahan ng maigting na panalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 26,848 total views

 26,848 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 51,164 total views

 51,164 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 86,954 total views

 86,954 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 128,324 total views

 128,324 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 179,831 total views

 179,831 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 15,609 total views

 15,609 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 233,650 total views

 233,650 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top