1,270 total reads
Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization sa Section for First Evangelization and New Particular Churches at bagong Dean ng College of Cardinals, ang mga kabataan na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan, kabilang ang mga walang tirahan at mga kapos sa pangunahing pangangailangan.
Pinarating ito ni Cardnal Tagle sa kaniyang pagninilay para sa misang iniaalay sa sa Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation sa Assisi, Italy para sa kapistahan ni Saint Carlo Acutis at paggunita ng kaniyang kamatayan.
Ayon sa Kardinal, hindi lamang dapat tumanggap ng biyaya ng Diyos ang mga Kristiyano, kundi maging tagapaghatid din nito sa kapwa dahil dapat mahing ehemploe ang Kabataang Santo na nagboluntaryo sa ‘soup kitchens’ noong nabubuhay pa, nagbigay ng mga damit sa mahihirap, nagmalasakit sa mga walang tirahan, at nagtanggol sa mga kabataang nakararanas ng pambu-bully.
“St. Carlo Acutis regularly attended the Eucharistic banquet, not to isolate himself from others and the world. Rather, the Lord’s banquet became for him a mission to invite others to savor the goodness of Jesus. Carlo inspired his own family to draw closer to Jesus. Thanks to Carlo, Rajesh Mohur He discovered Jesus. Carlo had a special affection for the homeless. He volunteered at a soup kitchen,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.
Binigyang diin pa ng Opisyal ng Vatican ang kahalagahan ng pagtugon sa pangangailangan ng mga sektor na nakararanas ng kahirapan at panlipunang pagkakait, sa halip na magtuon lamang sa pansariling kapakanan.
Ayon kay Cardinal Tagle, dapat maging misyon ng mga Kristiyano ang pag-abot sa lahat ng tao at pagbabahagi ng pagmamahal, kaligtasan, at kapayapaan ng Diyos, sa halip na magpalaganap ng diskriminasyon, kasinungalingan, at karahasan.
Pinangunahan ni Cardinal Tagle ang misang idinaos sa Diocese of Assisi Italy bilang bahagi ng apat na araw na pagdiriwang para sa kapistahan ni San Carlo Acutis at ika-20 anibersaryo ng kaniyang pagpanaw noong October 12, 2006 kung saan
““Do we take our mission seriously? Are we willing, in the name of God, to reach out to all kinds of people, wherever they are: on the streets, in schools, in offices, in hospitals, in slums, in war zones, on social media? Or do we choose only the people and places that are convenient for us? And what message do we bring when we meet people? Do we bring God’s invitation to his feast of love, salvation, and peace?,” bahagi pa ng pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.
Ayon sa Diocese of Assisi, umabot na sa 1.7-milyon ang mga mananampalataya ang naitalang bumisita sa dambana Simula July 2025, habang patuloy na nagsilbing inspirasyon ang batang santo sa mga kabataan upang isabuhay ang pananampalataya sa makabagong panahon, kabilang ang paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan




