Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,665 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa halip na karahasan at digmaan.

Sa kanyang video message sa International Meeting for Peace sa Assisi, Italy, iginiit ng Santo Papa na hindi kailanman maituturing na banal ang digmaan, kundi ang kapayapaan lamang.

“War can never be waged in the name of God. For us believers, ‘to fight in the name of religion means attacking religion itself.’ There is no such thing as a holy war: only peace is holy,” ayon sa mensahe ng Santo Papa.

Binigyang-diin ng Papa na mahalagang labanan ang paggamit sa relihiyon upang bigyang-katwiran ang digmaan at karahasan.

Ang tatlong araw na pagtitipon, na nagtapos nitong Martes, ay inorganisa ng Community of Sant’Egidio sa temang Unarmed and Disarming Peace.

Kasabay nito ang ika-40 anibersaryo ng World Day of Prayer for Peace na pinangunahan ni Saint John Paul II noong Oktubre 27, 1986.

Dagdag pa ni Pope Leo,”I would very much like to have been with you at the tomb of Saint Francis on this important anniversary, to see your faces and bear witness together to the fact that living as brothers and sisters is already possible!”

Hindi nakadalo ang Santo Papa sa pagtitipon sa payo na rin ng kanyang mga doktor, habang nagpapagaling makaraan ang operasyon sa kaniyang baga.

Ayon kay Pope Leo, kailangang maging daan ang mga relihiyon sa pagsusulong ng diyalogo at pagkakaunawaan upang maputol ang siklo ng karahasan.

Hinimok din ng pinunong pastol ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa pagbabagong-loob ng mga nagtataguyod ng digmaan at terorismo.

Binigyang-diin ng Santo Papa na sa kabila ng tila kahinaan ng panalangin sa harap ng kapangyarihan ng mundo, nananatili itong mahalagang lakas ng mga mananampalataya sa pagsusulong ng kapayapaan.

Nanawagan din si Pope Leo na sa halip na maghanda para sa panibagong digmaan, dapat pagsikapan ng mga bansa na muling itatag ang kapayapaan sa buong mundo.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,535 total reads

 1,535 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,666 total reads

 1,666 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,092 total reads

 4,092 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,497 total reads

 60,497 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,003 total reads

 184,003 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,296 total reads

 269,296 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,536 total reads

 1,536 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top