1,734 total reads
Pangungunahan ni Pope Leo XIV ang Misa para sa mga yumao sa November 2, kasabay ng paggunita ng All Souls’ Day, sa Campo Verano Cemetery sa Rome, Italy.
Ayon sa schedule na inilabas ng Vatican, bahagi ito ng mga nakatakdang gawain ni Pope Leo mula Nobyembre hanggang unang bahagi ng Disyembre.
Sa Nobyembre 5, magdaraos din ang Santo Papa ng Misa sa St. Peter’s Basilica bilang panalangin para sa mga kardinal at obispong pumanaw sa nakalipas na taon.
Mula Nobyembre 6 hanggang 17, bibisita naman siya sa Uruguay, Argentina at Peru para sa kanyang apostolikong paglalakbay sa South America.
Pagbalik sa Vatican, pangungunahan niya sa Nobyembre 18 ang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagtatalaga sa St. Peter’s Basilica, na aabot sa ika-400 taon ngayong 2026.
Samantala, sa Disyembre 8, sa kapistahan ng Immaculate Conception, pangungunahan ng Santo Papa ang pananalangin at pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria sa Piazza di Spagna sa Roma.




