856 total reads
Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Pari ng Diocese of Antipolo ang canonical coronation sa Our Lady Queen of Peace parish sa Rodriguez, Rizal.
Sa kanyang pagninilay, ipinaalala ni Archbishop Brown na nagsisimula ang tunay na kapayapaan sa puso ng bawat tao na dapat itong palawakin sa pamilya, pamayanan at buong mundo.
Inihayag din Archbishop Brown na mahalaga ang panalangin, lalo na ang Santo Rosaryo, at ang patuloy na pagtitiwala kay Hesukristo, na palaging kasama ng mananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.
Ipinaliwanag din ng Apostolic Nuncio na ang pagkokorona sa Mahal na Birhen ay pagpapahayag ng pagmamahal, pagtitiwala at pagkilala sa kaniyang gabay bilang isang mapagmahal na ina.
Iginiit ni Archbishop Brown na sa pamamagitan ng panalangin at kapayapaang nagmumula kay Kristo, maaaring maipalaganap ang pagkakaisa mula sa sarili tungo sa pamilya at sa buong mundo.
“Peace begins in our hearts. If we don’t have peace in our hearts, there’s not going to be peace in our communities, there’s not going to be peace in our families, there’s not going to be peace in the world. Let there be peace on earth, and let it begin with me. That is where peace begins: in your heart and in my heart,” pagninilay ni Archbishop Brown
Hinimok naman ni Bishop Santos ang mananampalataya na huwag limitahan sa seremonya ang pagkilala kay Maria, Ina ng Kapayapaan, kundi isabuhay ang pagmamahal, pagkakaisa at paglilingkod sa kapwa.
Binigyang-diin ng Obispo na maging mga taga-pamayapa, taga-pagbuklod at taga-paghatid ng pag-asa ang bawat isa sa gitna ng mga hamon sa pamilya, lipunan at mga bansa.
Layunin ng Canonical Coronation na palalimin ang pananampalataya ng mga deboto, panibaguhin ang kanilang pag-asa at hikayatin silang maging tunay na mga alagad ni Kristo sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Birheng Maria.
“Today, as we honor Maria, Ina ng Kapayapaan, we are reminded that our world is still longing for peace. We see many challenges around us, in our families, in society, and among nations. Yet Mary teaches us that peace begins when we allow God to dwell in our hearts. From there, it grows in our homes, spreads through our communities, and reaches the whole human family and the world God has created for us,” pambungad na pananalangin
Bishop Santos sa koronasyon.




