Pagsugpo sa mga terorista, seryosohin ng pamahalaan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total views

Nararapat na seryosohin ng pamahalaan ang pagsugpo sa mga teroristang grupo na naghahasik ng kaguluhan at karahasan sa bansa.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, dapat sugpuin ng pamahalaan ang bandidong grupo sa Mindanao kung saan sila nagmula hindi lamang sa lalawigan ng Bohol na ginamit lamang nilang diversionary tactics.

“Kailangan talagang sugpuin ang mga terorista hindi lang sa Bohol kundi sa pinanggalingan nila sa Mindanao, sa Sulu dapat lang talagang sugpuin, dapat seryosohin ang pag-neutralized ng grupong ito…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Sa nakaraang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na isinagawa sa bansa, tinukoy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang malaking sagabal at hadlang sa pag-unlad ng buong rehiyon ang mga pag-atake ng bandidong grupo at banta ng terorismo sa mga karatig bansa sa Asya.

Unang binigyang diin ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines na walang puwang ang terorismo sa bansa at nanawagan ng pakikiisa ng mga mamamayan upang sama-samang mabantayan ang buong pamayanan mula sa banta ng mga terorista.

Batay naman sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo na kagagawan ng mga grupong New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF),Moro National Liberation Front, BIFF at Abu Sayyaf.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,503 total views

 18,503 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,517 total views

 68,517 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,386 total views

 64,386 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,388 total views

 100,388 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,097 total views

 108,097 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top