Mass grave ng mga nasawi sa pananalasa ng super typhoon Yolanda, binasbasan ni Archbishop Du

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,640 total reads

Pinangunahan ni Palo Archbishop John Du ang pagbabasbas sa mass grave sa bakuran ng Palo Cathedral bilang paggunita sa ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda at pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo ngayong Nobyembre 8, 2026.

Sa paggunita sa trahedya, muling ipinanalangin ng Arkidiyosesis ng Palo ang mga nasawi at hinimok ang mga mananampalataya na patuloy na alalahanin ang mga aral mula sa mapaminsalang kalamidad.

Labintatlong taon na ang nakalilipas nang manalasa ang Yolanda sa Leyte, Samar at mga karatig-pulo, na nag-iwan ng malawakang pagkawasak at matinding pagdadalamhati sa mga mamamayan, partikular sa mga Waray.

“Today the 13th Yolanda Anniversary we remember that tragic event of our history and we continue to pray for all our beloved dead and also learn from such experience. Palo Archbishop John Du blessing of the mass grave at the Cathedral grounds of the Archdiocese of Palo on the Feast of Our Lady of Hope of Palo and 13th Year Yolanda Anniversary 2026.” Bahagi ng gawain ng Arkidiyosesis ng Palo.

Inihayag ng Arkidiyosesis na nananatiling sariwa sa alaala ng marami ang mga tanawin ng pagkawasak at mga bangkay na nagkalat matapos ang pananalasa ng bagyo, kahit lumipas na ang maraming taon.

Hinimok din ng Arkidiyosesis ng Palo ang mga mananampalataya na patuloy na humingi ng tulong at patnubay sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, ang Our Lady of Hope of Palo, na nagdadala kay Hesus, ang bukal ng pag-asa.

“As we reminisce about the catastrophic impact of Super Typhoon Yolanda, let us continuously ask for the intervention of our Lord through the intercession of His Beloved Mother, Our Lady of Hope of Palo, the bearer of Hope, Jesus, and pray for the eternal repose of our brothers and sisters who lost their lives during the onset of the typhoon.” Dagdag pa ng Arkidiyosesis ng Palo.

Kasabay nito, ipinagdasal din ng Ardiyosesis ang walang hanggang kapahingahan ng mga kapatid na nasawi sa pananalasa ng bagyo at ang patuloy na paghilom ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Sa paggunita sa Yolanda, ipinapaalala ng Simbahan na ang pag-alala sa mga yumao ay dapat samahan ng panalangin, pagkakaisa at kahandaang matuto mula sa mga nakaraang sakuna kung saan sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtutulungan, nananatiling buhay ang pag-asa sa gitna ng pagdadalamhati at pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 28,980 total reads

 28,980 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 76,869 total reads

 76,869 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 178,135 total reads

 178,135 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 248,311 total reads

 248,311 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 333,142 total reads

 333,142 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top