Pamahalaan, pinakikilos sa makatarungang solusyon sa krisis sa klima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,778 total reads

Pinapakilos ng Aksyon Klima Pilipinas ang pamahalaan sa pangangailangan ng pangmatagalan at makatarungang solusyon sa krisis sa klima, kasabay ng panawagan para sa higit na transparency at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga komunidad sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni John Leo Algo, National Coordinator ng Aksyon Klima Pilipinas at Philippine Delegate sa 31st United Nations Climate Change Conference o COP31, na ang nakatakdang pagtitipon ay pagpupulong ng mga bansang kasapi ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) upang talakayin at tugunan ang krisis sa klima.

Binigyang-diin ni Algo na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang lubhang bulnerable sa epekto ng climate change, na makikita sa mas matitinding extreme weather events, gaya ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda at banta ng matinding tagtuyot dahil sa El Niño na pinalalala ng global warming.

Ayon kay Algo, hindi dapat nakatuon lamang sa agarang pagtugon sa mga sakuna ang climate action kundi sa mga solusyong magdudulot ng pangmatagalang pagbabago.

“Ang pundasyon ng pag-aksyon laban sa krisis sa klima o climate change ay ang pag-i-inform, pagpapaalam at pagpapatunawa sa taong-bayan na hindi po ito dapat tugunan lamang kapag may paparating na sakuna. Dapat tugunan ito ng pangmatagalan o long-term transformative solutions.” Bahagi ng pahayag ni Algo sa Radyo Veritas.

Binigyang-pansin din ni Algo ang pangangailangan ng mas malawak na transparency sa mga programa ng pamahalaan, partikular sa mga proyektong may epekto sa kalikasan.

Inihayag ni Algo na may mga hakbangin ang gobyerno na hindi gaanong napag-uusapan dahil natatabunan ng iba pang usapin, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Partikular ding tinukoy ni Algo ang usapin ng pagmimina at ang kakulangan ng malinaw at kumpletong impormasyon tungkol sa Pax Silica na nangangailangan ng transparency sa mga kasunduang may kaugnayan sa likas na yaman.
Ipinaliwanag ni Algo na mahalaga ang mga critical minerals sa paggawa ng mga teknolohiyang ginagamit sa renewable energy gaya ng solar power, gayunman hindi aniya dapat isakripisyo ang kalikasan at kapakanan ng mga mamamayan sa ngalan ng energy transition.

Tinukoy din ni Algo ang mga halimbawa sa Sibuyan at Dupax kung saan kailangang suriin kung tunay na makatarungan ang mga epekto ng pagmimina sa mga komunidad.

“Hindi kapag tayo po ay nagpapatupad ng mga ganitong programa, siyempre kailangan po natin para sa teknolohiya, sa solar for example at iba pang renewable energy, pero kailangan hindi na isasantabi ang kapakanan ng mamamayan,” Dagdag pa ni Algo.

Iginiit ni Algo na hindi lamang pagmimina ang dapat suriin kundi pati ang malalaking proyektong pang-imprastraktura, gaya ng pagpapatayo ng mga highway, na maaaring magresulta sa pagputol ng mga puno at pagsasantabi sa pangangailangan ng mga lokal na komunidad.

Ayon sa kanya, kailangang baguhin ang pamamaraan ng pamahalaan upang hindi laging mauna ang interes ng mga kumpanya at malalaking proyekto kaysa sa pangangailangan ng mga mamamayang direktang maaapektuhan.

“So, paano po ang local needs? Dapat po community-based,” Ani Algo.

Dagdag pa ni Algo, mahalagang mapakinggan at mabigyan ng puwang ang iba’t ibang organisasyon ng civil society, kabilang ang mga grupong nakatuon sa pagmimina, kabataan at faith-based advocacy, upang maiparating ang magkakaibang usapin at panawagan sa mga talakayan tungkol sa klima.

Sa naganap na send-off Mass para sa mga delegadong Pilipino na lalahok sa 31st United Nations Climate Change Conference o COP31 noong November 5, 2026 sa Kalookan Cathedral, binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang pangangalaga sa kapaligiran ay usapin ng pananampalataya, katarungan at dignidad ng tao.

Kabilang sa mga dadalo sa COP31 si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, na nagsabing nais nilang maiparating ang hinaing ng mga magsasaka, katutubo at mangingisdang nanganganib ang kabuhayan dahil sa pang-aabuso sa kalikasan.

Gaganapin ang COP31 sa Turkey mula November 9 hanggang 20, 2026 kung saan inaasahang tatalakayin ng mga bansa at iba pang sektor ang mga hakbang laban sa climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 17,924 total reads

 17,923 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 119,187 total reads

 119,187 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 189,363 total reads

 189,363 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 275,860 total reads

 275,860 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 317,658 total reads

 317,658 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 58,630 total reads

 58,630 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top