Pagtataguyod ng pagkakaisa, kapayapaan tungkulin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,241 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga obispo sa Argentina na higit na paglingkuran ang mga mahihirap, alagaan ang mga nangangailangan at suportahan ang mga programang nagpapabuti sa buhay ng kanilang mga mamamayan.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa kanyang pakikipagpulong at pagdarasal ng Vespers kasama ang mga obispo at synodal teams ng Argentina sa Cathedral of the Holy Trinity sa Buenos Aires.

Binigyang-diin ni Pope Leo na tungkulin ng Simbahan na itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan at pagkakasundo, gayundin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng komunidad.

“Everyone is welcome. Go and proclaim!,” ayon sa Santo Papa.

Hinimok din niya ang mga obispo na palakasin ang pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan, mga walang trabaho, mga walang maayos na tirahan at mga napipilitang mangibang-bansa.

“We must work together to foster priestly and religious vocations, to accompany families and to care for those living in poverty, who are unemployed or who lack decent housing,” ayon kay Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, dapat suportahan ng Simbahan ang mga programang nagtataguyod ng marangal na trabaho, tumutulong sa mahihirap at naglilingkod para sa kabutihan ng nakararami.

Binigyang-diin din ng pinunong pastol ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng bawat tao, pagbibigay-pansin sa mahihirap at pangangalaga sa kalikasan.

Hinimok ni Pope Leo ang mga obispo na panatilihing si Kristo ang sentro ng kanilang paglilingkod at isabuhay ang Ebanghelyo sa pamamagitan ng konkretong pagkilos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 20,177 total reads

 20,177 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 68,597 total reads

 68,597 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 169,863 total reads

 169,863 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 240,039 total reads

 240,039 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 325,390 total reads

 325,390 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top