Simbahan, dapat manatiling kanlungan ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Dapat manatiling kanlungan ng mga mahihirap at nangangailangan ang Simbahan.

Ito ang binigyang-diin ni Fr. Joel Rescober, rector at parish priest ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal – San Vicente de Paul Parish sa Ermita, Maynila, kasabay ng paggunita sa ika-10 World Day of the Poor noong Nobyembre 15.

Ayon kay Fr. Rescober, mahalagang paalala ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na inilaan ni Pope Leo XIV upang bigyang-diin na nasa puso ng misyon ng Simbahan ang mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Paliwanag ng pari, hindi lamang kawalan ng seguridad sa buhay at mga pangunahing pangangailangan ang anyo ng kahirapan. Kabilang din dito ang kawalan ng kasama, maayos na kalusugan at kapaligiran, pag-asa, at pakiramdam na walang nakikinig o tumatanggap sa kanila.

“Ang kahirapan po ay unang nakikita sa kawalan ng seguridad sa buhay at mga pangunahing pangangailangan; ngunit nararanasan din ito sa kawalan ng kasama o katuwang, kawalan ng mabuting kalusugan at maayos na kapaligiran, kawalan ng pag-asa, at pakiramdam na walang nakikinig o tumatanggap,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr. Rescober sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinikayat niya ang Simbahan na manatiling bukas, mapagkalinga at handang makinig sa mga nangangailangan.

Kabilang sa mga konkretong pagkilos ng kanilang parokya ang pagtanggap at pagpapakain sa mga taong naninirahan sa lansangan upang ipadama sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroon silang tahanan sa Simbahan.

Nagpasalamat din si Fr. Rescober sa pakikiisa ng Vicariate of Nuestra Señora de Guia sa paggunita sa World Day of the Poor sa pamamagitan ng pagsasalo sa pagkain at pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa 200 pamilya mula sa iba’t ibang parokya sa bikaryato.

“Mahalaga pong maramdaman ng ating mga kapatid na may kasama sila, may kumakalinga, at may tahanan sila sa Simbahan,” dagdag pa ng pari.

Samantala, nagsagawa rin ang Arkidiyosesis ng Maynila ng Community Pantry Day 235 sa Pandacan, katuwang ang Saint Walter Church, mga boluntaryo at donor bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 10,851 total reads

 10,851 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 110,065 total reads

 110,065 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 193,095 total reads

 193,095 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 287,426 total reads

 287,426 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 348,663 total reads

 348,663 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top