Devotees ng birhen ng Antipolo, hinimok na maging missionary disciple

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga deboto ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje na hindi lamang tumanggap ng mga biyaya kundi maging pagpapala rin sa kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod at pagpapalaganap ng pananampalataya.

Ito ang mensahe ng obispo sa Welcome Mass para sa pagdating ng imahen ng Birhen ng Antipolo sa Manila Cathedral sa Intramuros noong November 26.

“This is why every authentic Marian devotion deepens our relationship with Christ. If we welcome Mary but fail to welcome Jesus, then we have missed the deeper meaning of her visit. The most beautiful welcome we can offer Our Lady today is not found merely in flowers, songs, processions, or ceremonies. The most beautiful welcome we can offer is a heart open to Christ, a heart willing to trust Him, follow Him, and allow Him to transform our lives. When we truly welcome Mary, she does what she has always done,” ayon sa mensahe at pagninilay na pinadala ni Bishop SAntos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Bishop Santos ang tatlong paanyaya sa pagdating ng Mahal na Birhen: pagtanggap kay Maria, pag-asa kay Hesus at paglalakbay bilang mga alagad.

Inihayag ng Obispo na ang tunay na debosyon kay Maria ay dapat magpalalim sa ugnayan ng bawat isa kay Kristo, na palagi nitong itinuturo sa mga mananampalataya.

Hinimok din niya ang mga deboto na manatiling matatag sa pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok, dahil ang tunay na pag-asa ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng paghihirap kundi pagtitiwala na hindi iniiwan ng Diyos ang Kanyang bayan.

““Every devotee of Our Lady is called to become a missionary disciple. We are called not only to receive blessings but also to become blessings for others. We are called not only to pray but also to serve. We are called not only to admire Mary but also to imitate her faith, humility, generosity, and trust in God. The pilgrimage of the Our Lady of Peace and Good Voyage from Antipolo to Manila should not end with this celebration,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang bawat deboto ay tinatawag na maging misyonerong alagad na hindi lamang nananalangin kundi naglilingkod at nagdadala ng presensiya ni Kristo sa kanilang tahanan, trabaho, paaralan, parokya at komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 25,400 total reads

 25,400 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 167,840 total reads

 167,840 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 283,616 total reads

 283,616 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 403,148 total reads

 403,148 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 88,476 total reads

 88,476 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 52,834 total reads

 52,834 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top