Itatalagang kalihim ng DENR, babantayan ng Simbahan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Magkahalong lungkot at galit ang naramdaman ni Catholic Bishops Conference of the Philippine Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, sa pag-reject ng Commission on Appointments kay Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon sa Obispo, ipinakita lamang ng mayorya sa mga miyembro ng CA na mas matimbang ang malalaking negosyo kaysa sa kapakanan ng kapaligiran at ng mahihirap.

“Nakakalungkot yung pangyayari at nakakagalit dito ipinakita ulit sa atin na ang mas napahahalagahan ay ang malalaking mga business kesa sa kapaligiran at sa maliliiit na mga tao,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nanindigan naman si Bishop Pabillo na hindi titigil ang sambayanang Filipino, at patuloy nitong ipaglalaban ang buhay ng kalikasan at ang buhay ng mamamayan.

Tiniyak ng Obispo na magmamatyag ang taumbayan sa susunod na manunungkulan sa DENR at susuriin ang katayuan ng susunod na kalihim kung ito ay may taglay na integridad at tapang para labanan ang malalaking kumpanya ng mina.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni DENR-OIC Under Secretary for Legal Affairs Atty. Maria Paz Luna, ang bintang kay outgoing DENR Secretary Gina Lopez na mayroon itong mga ghost employees na nagsilbing consultants sa ahensiya.

Paliwanag ni Luna, hindi maituturing na ghost employees ang mga consultants na tunay na nagtrabaho at tumulong sa ahensya upang maisaayos ang mga pag-aaral at pagsusuring isinagawa ng DENR.

Dagdag pa ni Luna, hindi tamang maglabas ng ulat at tawaging ghost employees ang kanilang kasamahan sa trabaho at dapat munang alamin ang kanilang panig bago sila batuhin ng mga espekulasyon.

Sa isang ulat, sinasabing mayroong 55 ghost employees si Lopez na tumatanggap ng P120,000 suweldo kada buwan.

Nauna rito, tinawag ng mga opisyal ng Simbahang Katolika na pagtraydor sa Diyos at taumbayan ang pagbasura ng CA sa ad-interim appointment ni Lopez bilang kalihim ng DENR.

READ :

http://www.veritas846.ph/pagreject-ng-ca-kay-lopez-pagtraydor-sa-diyos-taumbayan/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,550 total reads

 26,550 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,929 total reads

 62,929 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 289,199 total reads

 289,199 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,666 total reads

 182,666 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 275,296 total reads

 275,296 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,873 total reads

 34,873 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,766 total reads

 27,766 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top